News

Mga dulang may isang yugto sa “X-Tensyon: Sa Unang Outlet”

teatro

Itatanghal ng Teatro X-Tensyon, isang grupo ng pinagsamang mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas at mga artista na naglalayon na payamanin at linangin ang sining ng dula sa Filipinas, ang “X-Tensyon: Sa Unang Outlet” sa Pebrero 2-4, 2013 sa Light and Space Contemporary Gallery, 53 Fairlane St. West Fairview, 1118 Quezon City.

Tampok ang mga sumusunod na mga dulang may isang yugto:

Bahay-Bahayan
ni Steph Andaya
Dalawang batang babae ang magkasabay na papasukin ang mundo ng laro tangan ang pagsuong sa kani-kaniyang mga mundong binahiran ng impluwensya ng kanilang pamilya, napanonood at kinalalakhan.

Salisi
ni Taks Barbin
Hindi palaging nagsasalubong ang mga pananaw, paniniwala at mga pangarap. Ang Salisi ay kontrobersyal na kuwento ng relihiyon at pag-ibig na labas sa kumbensyonal na mundo.

Director’s Cut
ni Pauline Joyce Leaño
“Poverty pacified by media is entertaining for most of us.” Pero dito talaga yan nagmula: paano nga ba’ng maging mahirap? Umiinog sa tanong na ito ang dulang “Director’s Cut.”

Huling Estasyon
ni Cathrine Revilloza
Kailan nga ba nagsisimula ang pagtatapos? At kailan natatapos ang bawat pagsisimula? Ito ang tanong na nais tahakin ng “Huling Estasyon,” kailan nga ba natin masasabi na narating na natin ang huling estasyon?

Para sa iba pang detalye, maglog-on sa http://www.facebook.com/events/545026132177121/.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s