News

Pieta: Isang dulang pampamilya ng Shaharazade

PIETA event poster

Itatanghal ng Shaharazade Theater Company kasama ng ADMUtation, MadCow Productions, at TUGON Ateneo ang “Pieta” sa panulat ni Jay Crisostomo IV sa Pebrero 7-15, 2013 sa Room 5, Institute of Social Order, Pamantasang Ateneo de Manila.

Ang PIETA ay tungkol sa isang pamilya sa kanayunan na may payapa at maayos na pamumuhay hanggang dapuan sila ng lahat ng karumarumarim sa mundo: pakikipagtalik ng ama sa anak, ng kapatid sa kapatid, walang awang benggansa, at mga hindi maipaliwanag na pagkamatay. Bunga ng lahat ng kanilang kasamaan ang pagpapaanak sa halimaw na kumakatawan sa kabuoan ng kanilang mga kasalanan.

Nasa kamay ng ina, ni Josefina, ang pagpapanatili ng pamilya at ng buhay na kanyang binuo sapagkat walang katumbas ang pighati ng isang magulang na kailangan ilibing ang kanyang mga anak. Tunghayan ang kanyang walang pag-asang pakikipagtunggali sa kadiliman.

Ipalalabas ang dula sa Pebrero 7, 13, 14, at 15 (7:30 ng gabi) at Pebrero 8 at 9 (5:30 ng hapon at 8:30 ng gabi). Ang tiket ay ibinibenta sa halagang Php 150.00. Makipag-ugnayan kay Chris Aronson sa 09178253067 para sa iba pang detalye.

Isang independent theater company, ang SHAHARAZADE ay binubuo ng mga dating kasapi ng Tanghalang Ateneo, Blue Repertory, Teatro Baguntao, Dulaang Sibol, Harlequin Theatre Guild, at Dulaang UP.

Maaari ring mag-log on sa https://www.facebook.com/theShaharazade/ at https://www.facebook.com/PietaNgShaharazade/.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s