News / Post-event

Bagong simula sa KWF

Ang bagong pamunuan ng Komisyon sa Wikang Filipino.

UPDATED, February 13, 2013–Idinaos ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang unang regular na pulong ng Kalupunan ng mga Komisyoner noong Peb. 8, 2013, bilang bahagi ng pagsisimula ng bagong pamunuan nito. Pinangasiwaan ito ng Pambansang Alagad ng Sining at Tagapangulong si Virgilio S. Almario sa silid pulungan ng Gusali Watson, San Miguel, Maynila.

Dinaluhan ito ng sampung Komisyoner. Naitalagang part-time commissioners sina Jerry B. Gracio ng Samar-Leyte, Purificacion Delima ng Iluko, Abdon M. Balde Jr. ng Bikol, Noriam H. Ladjagais ng Pangunahing Wika sa Muslim Mindanao, John E. Barrios ng Hiligaynon, Orlando B. Magno ng Cebuano, Jimmy B. Fong ng Mga Wika sa Kahilagaang Pamayanang Kultural, Lucena P. Samson ng Kapampangan, at Ma. Crisanta N. Flores ng Pangasinan, at habang itinalagang full-time commissioner si Lorna E. Flores ng Mga Wika sa Katimugang Pamayanang Kultural. Inimbitahang dumalo ang Direktor Heneral na si Roberto T. Añonuevo at mga pinuno at kinatawan ng mga sangay ng KWF na sina Edna Aquino ng Lingguwistika, Elvira Estravo ng Pagsasalingwika, Sheilee Vega ng Leksikograpiya, Julio Ramos ng Pangasiwaan, at Jomar Empaynado ng Impormasyon at Publikasyon.

Sa naturang pulong, nanumpa sina Magno, Ladjagais, Gracio, Fong, Delima, at Balde Jr. bilang mga bagong hirang na komisyoner. Natalakay din ang ilang usapin tulad ng nalalapit na palihan ng Implementing Rules and Regulations at paglalatag ng Medium-Term Plan ng Komisyon, pagpapatibay sa kapangyarihan ng Kalupunan at ng Direktor Heneral, reorganisasyon, pagpapatibay ng mga kapasiyahan, pagsusulong ng isang pambansang nakasulat na tradisyon, at pagbabalik ng karangalan at integridad ng KWF bilang awtoridad sa usaping pang-wika sa Filipinas.

Simula sa Marso, idaraos na tuwing ikalawang Biyernes ng buwan ang mga pagpupulong ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng KWF.

One thought on “Bagong simula sa KWF

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s