News

‘Wika at Panitikan sa Silid-Aralan’ sa Ikalawang Kumperensiya sa Pagtuturo sa Filipino

pr_adarna+ateneoSa pagtutulungan ng Adarna House at Kagawaran ng Filipino ng Ateneo de Manila University, magkakaroon ng Ikalawang Pambansang Kumperensiya sa Pagtuturo sa Filipino sa Abril 3-5, 2013 (Miyerkoles hanggang Biyernes) sa Gusaling Escaler ng Pamantasang Ateneo de Manila. Inaanyayahan ang lahat ng guro, mananaliksik, at mag-aaral ng wika at panitikang Filipino.

Ang kumperensiyang ito ay iikot sa temang Wika at Panitikan sa Silid-Aralan. Si Virgilio S. Almario, bagong puno ng Komisyon sa Wikang Filipino, at si Isagani Cruz, pambsansang sangguni sa K-12 ng Kagawaran ng Edukasyon, ang mga magsisilbing tagapagsalitang pandangal. Papaksain ni G. Almario ang halaga ng wika sa pagtataguyod ng kultura at pambansang pagkakakilanlan, habang tatalakayin naman ni G. Cruz ang usapin ng wika sa kurikulum ng basic education.

MGA PLENARYA

Ang UP-Adarna House Filipino Text Readability Index (UP-AH FiTRI)
Rowena Cristina L. Guevara

Isang Pagtanaw sa 30 taon ng PBBY
Prof. Portia Padilla

Ang Sistema ni Propesor Tuko: Pagtatanghal at Pagtuturo ng Dula
Ateneo ENTABLADO at Kagawaran ng Filipino

Pinoy Komiks sa Pinoy Klasrum
Dr. Edgar Samar

Wika at Edukasyon sa Saligang Batas
Atty. Nicolas B. Pichay

Ang Dahilan ng Panitikang Pambata sa Edukasyon
Russell Molina

MGA BREAKOUT SESSION

Filipino sa Bagong Kurikulum
Magagandang Pamamaraan sa Filipino (Pakitang-Turo)

GABAY SA PAGBABAYAD

Hanggang ika-5 ng Marso
= Php 3,500.00 bawat kalahok
Hanggang ika-27 ng Marso
= Php 5,000.00 bawat kalahok
= Php 3,500.00 bawat kalahok para sa grupo ng 3 o higit pa
Hanggang ika-3 ng Abril
= Php 7,000.00 bawat kalahok
Kasama sa registration fee ang pagkain (tanghalian at 2 meryenda para sa 3 araw), conference kit, sertipiko, at kopya ng mga papel pangkumperensiya.

Upang magpatala, i-download, sagutan, at ipasa ang 2013 Kumperensiya sa Filipino – Registration Form. Maaari ring i-download ang buong programa ng Kumperensiya: 2013 Kumperensiya sa Pagtuturo sa Filipino. Tatanggap lamang ng 200 kalahok ang Kumperensiya.

Upang humiling ng pormal na paanyaya o para sa anumang paglilinaw, maaaring makipag-ugnayan kay Ergoe sa kumperensiya[at]adarna.com.ph, (02) 352-6765 local 119, o sa (0927) 382-4716.

Lifted from http://adarnahouse.wordpress.com/2013/02/07/abril-3-5-ikalawang-kumperensiya-sa-pagtuturo-sa-filipino/

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s