News

‘Bul-ul: Guardians of the Highland Harvests’ sa Asian Center, UP-Diliman

pr_bulul

Itatampok ng Asian Center ng Unibersidad ng Pilipinas, sa pakikipagtulungan ng Abundo & Emilia Palencia Museum of Life (Museo ABEM), National Commission on Indigenous Peoples, Distritong Pambatas ng Ifugao, at Pamahalaan ng Lalawigan ng Ifugao, ang eksibit na “Bul-ul: Guardians of the Highland Harvests” mula Peb. 26, 2013 hanggang Abril 30, 2013 sa Philippine Hall, GT Toyota Hall of Wisdom, Asian Center, UP-Diliman.

Itatanghal dito ang 20 bul-ul, mga inukit na maliliit at nakatalungkong estatwang kahoy na kumakatawan sa mga sinaunang espiritu o mga diyos ng mga kamalig sa Cordillera, mula sa koleksiyon ng Museo ABEM. Magsisimula ang exhibit sa isang ritwal ng pagsalubong na isasagawa ng mga mumbaki sa pagdating ng mga bul-ul sa lugar. Magsasara naman ito sa paglulunsad ng libro ng dokumentasyon ni Dr. Joaquin Palencia na nagtatampok sa ganda at halaga ng mga naturang sagisag sa lipunan at kulturang Ifugao.

Para sa mga tanong, maaaring tawagan ang Asian Center sa (02) 920-3535.

Abundo & Emilia Palencia Museum of Life

Asian Center-University of the Philippines

One thought on “‘Bul-ul: Guardians of the Highland Harvests’ sa Asian Center, UP-Diliman

  1. Natuloy po ba ito? Pumunta po kasi ako ngayon sa GT Toyota at sabi nila hindi raw ito natuloy in the first place..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s