Tumatanggap na ng aplikasyon ang Palihang Rogelio Sicat 6, ang taunang workshop sa malikhaing pagsulat para sa mga awtor sa Filipino, at sa iba pang wika sa Pilipinas. Ang palihan ay gaganapin sa Mayo 22-26, 2013 sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod ng Quezon.
Kailangang magsumite ang aplikante ng alinman sa mga sumusunod: Limang (5) tula; o dalawang (2) maikling kuwentong may 10-15 pahina, o dalawang (2) kuwentong pambata; o limang (5) dagli na may 1-2 pahina; o dalawang (2) malikhaing sanaysay na may 10-15 pahina. Kasamang isumite ang bionote at larawan (2×2 de-kulay). Dapat na nakapormat ang manuskrito sa 12 points, Arial, double-spaced, at may sukat na 81/2 x 11. Kailangang may salin sa Filipino ang mga manuskritong isusumite na orihinal na nasa iba pang wika. Ipadala ang aplikasyon sa palihangrogeliosicat6@yahoo.com prs6updiliman@yahoo.com.ph hanggang Abril 26, 2013.
Pipili ng labinlimang (15) writing fellow. Libre ang lahat ng gastusin dito sa pambansang palihan, kasama ang pamasahe patungo at pauwi mula sa UP Diliman. Tatanggap ang mga fellows ng munting stipend.
Itinataguyod ng UP Departmento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (UP-DFPP) ang PRS. Kaguruang direktor ng palihan ang mga tagapagtatag na sina Reuel Molina Aguila at Jimmuel Naval, gayundin sina Luna Sicat-Cleto at Eugene Evasco.
Inaanyayahan ngayong taon sa isang reunyon ang mga naging fellow ng PRS 1-5. Ginanap ang mga naunang palihan sa Angono, Rizal; Palayan, Nueva Ecija; Baler, Aurora; Alfonso, Cavite, at Sta. Cruz, Marinduque.
—
6th Palihang Rogelio Sicat now accepting applications
The Palihang Rogelio Sicat (PRS) now accepts applications to its sixth annual creative writing workshop for works written in Filipino, and other Philippine languages with translation in Filipino. The workshop is scheduled on May 22-26, 2013 at the University of the Philippines, Diliman, Quezon City.
Interested parties may submit any of the following: Five (5) poems, or two (2) short stories (10 – 15 pages), or two (2) stories for children; or, five (5) dagli (1-2 pp; traditional vignette), two (2) creative essays (10 – 15 pages); along with a bionote, photograph (2×2, colored). Manuscripts must be in 12 points, Arial, double-spaced, 8×11 size format. The deadline for applications is on April 26, 2013. Forward applications and inquiries to palihangrogeliosicat6@yahoo.com prs6updiliman@yahoo.com.ph.
Fifteen writing fellows will be chosen. The national workshop is all expenses paid, including transportation to and from UP Diliman. Fellows will be given a modest stipend.
The UP Department of Filipino and Philippine Literature (UP-DFPL) spearheads the PRS. Workshop faculty directors include workshop co-founders Reuel Molina Aguila and Jimmuel Naval, and Luna Sicat-Cleto and Eugene Evasco.
This year, the fellows from the PRS 1-5 are invited to attend the reunion party. Previous PRS workshop venues include Angono, Rizal; Palayan, Nueva Ecija; Baler, Aurora; Alfonso, Cavite; and Sta. Cruz, Marinduque.
magandang araw po…kinakailangan po bang presente sa pag susumite ng mga PIECE? o maari pong through email na din po?..salamat po.
Magandang araw po.
Ipadala ang aplikasyon sa palihangrogeliosicat6@yahoo.com hanggang Abril 26, 2013.
Para sa ibang katanungan, makipag-ugnayan sa mga tagapangasiwa ng palihan sa parehog email address. Itinataguyod ng UP Departmento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (UP-DFPP) ang PRS.
Bakit po hindi makapag-send ng message sa palihangrogeliosicat6@yahoo.com? By the way, tumatanggap din po ba ng hindi taga-UP? Maraming salamat po.
Binalikan ko ang PR nila at ito pala ang email address:
prs6updiliman@yahoo.com.ph
Para sa ibang detalye, bisitahin sa Facebook:
https://www.facebook.com/palihangrogelio.sicat
Hi, Frida. Naging fellow na rin ako sa PRS. Pwedeng ipadala lang thru e-mail at sundin ang tamang format ng entries at kasamang isumite ang requirements na nabanggit sa article.
Reblogged this on Lig h t y e a r s.