Books / News

Paglulunsad ng bagong libro ni Delos Santos sa Guimaras sa Marso 13

mga kuwento ni datu lubayAng Kasingkasing Press, isang non-profit na organisasyong nagtataguyod ng panitikang katutubo, ay magkakaroon ng book giving ng Mga Kuwento ni Datu Lubay ni Alex Delos Santos sa Marso 13, 2013, Miyerkules, 2 nh sa Department of Education, Division of Guimaras. Ang koleksiyon ay naglalaman ng anim na kuwento sa Kinaray-a na mayroong salin sa Filipino, at binigyang introduksiyon ng kritikong si Rolando B. Tolentino. Ang libro ay natigayon dahil na rin sa tulong ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

Si Alex Delos Santos ay mula sa San Jose, Antique. Nakilala siya bilang manunulat sa Kinaray-a nang mahigit dalawang dekada na. Ang kanyang unang koleksiyon ng mga tula sa Kinaray-a, Filipino at Ingles, Mga Kanta ni Datu Lubay (2003) ay sinundan ng dalawang koleksiyon ng mga kuwento: ang Agi, agi may putay sa dahi (2006) at Mga Sugidanun ni Datu Lubay (2010). Bilang iskolar sa wika at panitikang Kinaray-a, sinulatan niya ang The Rise of Kinaray-a: A History and Anthology of Contemporary Literature in Antique at ang bersyong Kinaray-a nito na Ugsad sa Kinaray-a (2007). Ang iba niyang akda ay lumabas na sa Ani, Caracao, Hiligaynon, Homelife, Mantala, at iba pang mga antolohiya. Siya ay isa ring guro, mandudula, at direktor sa teatro.

Libreng ipamamahagi sa mga dadalo ang nasabing koleksiyon ng kuwento, lalo sa mga guro at estudyanteng may interes at malaki ang pagmamahal sa panitikan.

Narito ang magiging daloy ng paglulunsad:
1. Pagpapatala – 2 nh
2. Pagpapakilala sa may-akda – 3 nh
3. Pagbabasa ni Delos Santos sa kanyang papel na “Ang Inang Wika sa Wikang Pambansa o Kung Bakit may Versyong Filipino ang Mga Sugidanun ni Datu Lubay”
4. Talakayan o Open Forum
5. Pamamahagi ng kopya ng libro

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s