News

Buwan ng Kababaihan, ipagdiriwang sa LIRAhan ngayong Marso 19

Disenyo ng poster: Mikael Gallego

Disenyo ng poster: Mikael Gallego

Inihahandog ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) ngayong buwan ng kababaihan ang “LIRAhan: Kaka-EBA.” Samahan ang mga makata ng LIRA sa isang gabi ng tula at musika sa Marso 19, 2013, Martes, 7 hanggang 9 ng, sa Conspiracy Bar, Visayas Avenue, Lungsod Quezon. Ang “Kaka-EBA” ay ang pang-apat na bahagi ng taunang selebrasyon ng LIRA para sa Buwan ng Kababaihan. Dati nang itinampok sa Marsong LIRAhan ang “Kaka-EBA” (2010), ang “Bago ang Babae” (2011), at ”EBAng Klaseng LIRAhan” (2012).

Magbabasa sina Phillip Kimpo, Ina Abuan, Debbie Nieto, Giancarlo Abrahan, Louie Jon Sanchez, Roy Cagalingan, Christa I. De La Cruz, Largo Labor, Dax Cutab, James Tana, Rae Rival, Joel Donato Jacob, Ralph Fonte, Karl Orit, Jacob Dominguez at marami pang iba.

May natatanging pagtatanghal mula kay Nini Beltran ng The Dorques.

Ang LIRAhan ay programa ng LIRA na ginaganap tuwing ikatlong Martes ng bawat buwan. Ito ay libre at bukas sa publiko. Makipag-ugnayan lamang kay Rae Rival (09057819309) o mag-log on sa Facebook para sa karagdagang detalye.

Ang LIRA ang nangungunang samahan ng mga makatang nagsusulat sa Filipino. Itinatag noong 1985 ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Virgilio S. Almario (aka Rio Alma), nagsilbi itong matagumpay na linangan ng di iilang batikang makata, tulad nina Victor Emmanuel Carmelo Nadera, Romulo Baquiran Jr., Michael M. Coroza, Roberto Añonuevo, Rebecca Añonuevo, Jerry Gracio, at Edgar Calabia Samar. Noong 2011, kinilala ito bilang isa sa Ten Accomplished Youth Organizations (TAYO) para sa mga gawain ng paglilingkod sa ngalan ng tula ng mga makatang-boluntaryo nito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s