News

Pandaigdigang Araw ng Aklat at Karapatang-ari 2013

pandaigdigang araw ng aklatSa unang pagkakataon, ipagdiriwang sa Filipinas ang Pandaigdigang Araw ng Aklat at Karapatang-ari ngayong Abril 23, 2013 sa pangunguna ng National Book Development Board (NBDB), Intellectual Property Office (IPO), Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL), Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA), at University of the Philippines Institute of Creative Writing (UP ICW) sa pakikipagtulungan ng SM Foundation at Precious Pages.

Itatampok sa isang parada ang mga karosa ng mga nabanggit na organisasyon sa Ortigas Center sa ika-4 nh. Isa namang pagbasa ng mga tula ng mga nangungunang makatang Filipino ang magaganap sa Stage Area ng SM Megamall Building A sa ika-5 nh. Ilan sa mga magtatanghal sa pagbasa ng tula ay sina Roberto T. Añonuevo, Rebecca T. Añonuevo, Vim Nadera, Benilda Santos, Marne Kilates, Jose F. Lacaba, Gabriela Lee, Francis Paolo Quina, at Gémino H. Abad.

Ang naturang pagdiriwang ay pakikiisa ng mga manunulat na Filipino sa pandaigdigang selebrasyon ng Araw ng Aklat at Karapatang-ari. Idineklara ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) noong 1995 ang Abril 23 bilang Pandaigdigang Araw ng mga Aklat at Karapatang-ari dahil ito ang petsa ng kamatayan nina Cervantes, Shakespeare, Inca Garcilaso de la Vega at petsa rin ng kapanganakan ng iba pang tanyag na manunulat gaya nina Maurice Duron, Haldor K. Laxness, Vladimir Nabokov, at Manuel Mejía Vallejo.

Isinulong ng Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan Virgilio S. Almario ang pagdiriwang ng Araw ng Aklat at Karapatang-ari bilang pagpupugay sa mga banyagang manunulat at higit sa lahat, sa mga dakilang manunulat na Filipino na karapat-dapat ipagparangalan sa buong mundo. Ayon din kay Almario, ang pagdiriwang ay magiging bahagi ng minimithing isang Pambansang Buwan ng Panitikan sa Filipinas na gaganapin tuwing Abril at lalahukan ng iba’t ibang samahang pampanitikan sa Filipinas.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s