News

Pistahan sa LIRAhan ngayong Mayo 21

Tayo na’t magdiwang sa “Pistahan sa LIRAhan” kasama ang mga makata ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA). Ilabas ang mga tula tungkol sa ritwal, piyesta at bulaklak at samahan kami sa isang gabi ng tula at musika sa ika-21 ng Mayo, 2013, Martes, 7 hanggang 9 ng gabi, sa Conspiracy Bar, Visayas Avenue, Lungsod Quezon.

Tampok sina Phillip Yerro Kimpo, Ina Abuan, Debbie Nieto, Giancarlo Abrahan, Louie Jon Sanchez, Roy Cagalingan, Christa I. De La Cruz, Largo Labor, MJ Tumamac, Dax Cutab, James Tana, Rae Rival, Joel Donato Jacob, Aldrin Pentero, Karl Orit, Jacob Walse-Dominguez at marami pang iba.

Kasama rin ang ilang kasapi ng Thomasian Writers Guild at Malate Literary Folio.

May natatanging pagtatanghal mula kina Nini Beltran at Clarissa Concio-Tiglao.

Ang LIRAhan ay programa ng LIRA na ginaganap tuwing ikatlong Martes ng bawat buwan. Ito ay libre at bukas sa publiko. Makipag-ugnayan lamang kay Rae Rival (09056899666).

Ang LIRA ang nangungunang samahan ng mga makatang nagsusulat sa Filipino. Itinatag noong 1985 ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Virgilio S. Almario (aka Rio Alma), nagsilbi itong matagumpay na linangan ng di iilang batikang makata, tulad nina Victor Emmanuel Carmelo Nadera, Romulo Baquiran Jr., Michael M. Coroza, Roberto Añonuevo, Rebecca Añonuevo, Jerry Gracio, at Edgar Calabia Samar. Noong 2011, kinilala ito bilang isa sa Ten Accomplished Youth Organizations (TAYO) para sa mga gawain ng paglilingkod sa ngalan ng tula ng mga makatang-boluntaryo nito.

Event Page: https://www.facebook.com/events/136468896541898/

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s