News

Teatro Baguntao: Bungang Araw V para sa tag-araw

poster

Sa pagbubukas ng ika-15 tagdula, magbabalik-tanaw ang Teatro Baguntao sa maiikling dulang naipalabas na nila noon para sa serye ng Bungang Araw, ang taunang produksyon tuwing tag-araw. Ito ay gaganapin mula ika-30 ng Mayo hanggang ika-1 ng Hunyo, 2013, sa ganap na alas-7 ng gabi sa MST Lobby ng Mataas na Paaralang Ateneo de Manila.

Ang pinakaunang Bungang Araw ay pinamagatang Bagong Salang na naganap noong 2005. Napagdesisyunang gawing taunang produksyon ang Bungang Araw makalipas ang apat ng taon; sinimulan ito ng Bungang Araw I: Kita Mo (2009), at sinundan ng Bungang Araw II (2010), Bungang Araw III: Muling Pagdanas (2011), at Bungang Araw 2012: Panorama Apokaliptika (2012).

Para sa Bungang Araw V, tampok ang mga dulang Hulugan ni Wincy Ong, at Para Mi Bebe ni Jem Munji, na itinanghal ng Teatro Baguntao sa produksyong TABLADO mula 2007 hanggang 2010. Ito ay mga dulang nagkamit ng pwesto sa PALIG 1998, isang paligsahang pangmag-aaral sa Mataas na Paaralang Ateneo de Manila para itaguyod ang sining na Filipino. Sumunod, ang Eyeball ni Alfonso I. Dacanay, na itinanghal ng Teatro Baguntao noong Bungang Araw II. Mula ito sa librong 10x10x10, isang kalipunan ng mga dulang pangtahalan. Panghuli, ang Katayan ng Bayan, hango sa The Municipal Abattoir ni Tennessee Williams at salin sa Filipino ni Guelan Varela-Luarca. Huli itong itinanghal ng Teatro Baguntao sa unang Bungang Araw, ang Bagong Salang.

Ang bawat tiket ay nagkakahalagang Php 120. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring tawagan o i-text si Lino Vergel de Dios 0917-579-1997 o si Stef Aranas sa 0917-869-3402. Maaari ring magpadala ng e-mail sa teatrobaguntao@yahoo.com o mag-iwan ng mensahe sa facebook.com/baguntao.

Ang Teatro Baguntao ay isang organisasyong panteatro mula sa Mataas na Paaralang Ateneo de Manila, na binubuo ng mga estudyanteng naglalayong makapagtaguyod ng wikang Filipino at makapagdulot ng panlipunang kamulatan sa pamamagitan ng pagtatanghal ng iba’t ibang dula.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s