News

Klinikang pampanulaan ng LIRA, bubuksan ng libreng panayam

reklamasyon

Magsisimula sa Hunyo 8, 2013 (Sabado) ang Taunang Klinikang Pampanulaan ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA). Bubuksan ito ng isang panayam mula sa Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Virgilio S. Almario, kilala bilang ang makatang Rio Alma. Ang panayam, “Reklamasyon ng Pambansang Gunita,” ay magsisimula ng 1 n.h. sa Silid 201 ng Kolehiyo ng Arte at Literatura sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon. Ang nasabing panayam ay libre at bukas sa publiko. Magpatala lamang sa palihanglira@gmail.com at bisitahin ang LIRA sa Facebook (facebook.com/palihangLIRA) at Twitter (@makatangLIRA).

Sa umaga, 9 n.u., ang pagpapatala at oryentasyon ng mga bagong fellow sa Taunang Palihang Pampanulaan ng LIRA.

Para sa karagdagang detalye, maaaring magtanong kay Christa I. De La Cruz, Ugnayang Pangmadla ng LIRA, sa (0922) 8215567, o kaya’y magpadala ng email sa palihanglira@gmail.com.
 
Si Dr. Michael Coroza ang magsisilbing Direktor ng Klinika; si Phillip Yerro Kimpo Jr. ang kasalukuyang Pangulo ng LIRA.

Ang Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) ang nangungunang samahan ng mga makatang nagsusulat sa Filipino. Itinatag noong 1985 ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Virgilio S. Almario (aka Rio Alma), nagsilbi itong matagumpay na linangan ng di iilang batikang makata, tulad nina Victor Emmanuel Carmelo Nadera, Romulo Baquiran Jr., Michael M. Coroza, Roberto Añonuevo, Rebecca Añonuevo, Jerry Gracio, at Edgar Calabia Samar. Noong 2011, kinilala ito bilang isa sa Ten Accomplished Youth Organizations (TAYO) para sa mga gawain ng paglilingkod sa ngalan ng tula ng mga makatang-boluntaryo nito.

Free lecture opens LIRA Poetry Clinic
 
On June 8, 2013 (Saturday), the annual Filipino Poetry Clinic of the Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) kicks off with a lecture by National Artist for Literature Virgilio S. Almario, also known as the poet Rio Alma. The lecture titled “Reklamasyon ng Pambansang Gunita” will be held at 1 pm in Room 201 of the College of Arts and Letters New Building in the University of the Philippines-Diliman, Quezon City. The lecture is free and open to the public. Please register through palihanglira@gmail.com.
 
The registration and orientation of the new Fellows to the LIRA Poetry Clinic will be held at 9 in the morning.

For more information, please contact Christa I. De La Cruz, Public Relations Officer of LIRA, at (09228215567) or send an email to palihanglira@gmail.com.

Dr. Michael Coroza will serve as the Director of the Poetry Clinic; Phillip Yerro Kimpo Jr. is the current President of LIRA.

The Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) is the country’s premier organization of poets writing in Filipino. It was founded in 1985 by National Artist for Literature Virgilio S. Almario (aka Rio Alma). Its workshops have produced award-winning poets such as Victor Emmanuel Carmelo Nadera, Romulo Baquiran Jr., Michael M. Coroza, Roberto Añonuevo, Rebecca Añonuevo, Jerry Gracio, and Edgar Calabia Samar. In 2011, LIRA was awarded as one of the Ten Accomplished Youth Organizations (TAYO) in recognition of the organization’s projects of community service through poetry by its members/poet-volunteers.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s