Bukás na ang nominasyon para sa lahat ng indibidwal, samahan, tanggapan, o institusyon, at mga ahensiyang pampamahalaan o pribado na may natatanging ambag o nagawa tungo sa pagsulong, paglaganap, pagyabong, at preserbasyon ng wikang Filipino.
Ang mga indibidwal na nabanggit ay dapat nagpamalas sa kanilang larang ng kontribusyon nila sa wikang Filipino sa pamamagitan ng pagtuklas at pananaliksik, mga programa at serbisyong naitaguyod, o anumang produksiyon at likha.
Hanggang 5 n.h. ng Hulyo 19, 2013 lamang ang pagtanggap ng mga nominasyon. Hindi tatanggapin ang mga nominasyon na ipinadala sa pamamagitan ng email o fax.
Mga Tuntunin:
1. Marapat na dumaan sa rekomendasyon ang nominadong entidad. Maaaring isang samahan, tanggapan, institusyon o kahit ng isang indibidwal ang magpasok o magharap ng kanilang pangalan. I-download ang pormularyo ng nominasyon sa KWF website (http://www.kwf.gov.ph/wp-content/uploads/PORMULARYO_DANGAL-NG-WIKA.pdf)
2. Kasama ang pormularyo ng nominasyon, ang nag-eendorso ay kinakailangang maglakip ng portfolio at anumang credential o katibayan na magpapatotoo sa lawas ng paggawa ng iminumungkahing nominado kahit sa loob lamang ng nakalipas na tatlong (3) taon.
3. Mananatiling kompidensiyal sa Lupon ng Gawad ang lahat ng nominasyon. Dadaan ang mga nasabing nominasyon sa proseso ng deliberasyon at ang mga desisyon ay pinal at hindi maipaghahabol.
4. Ipadala sa koreo o nang personal ang nasagutang pormularyo sa nominasyon, portfolio, credentials (o iba pang katibayan) sa:
Lupon sa Gawad
c/o Sangay ng Impormasyon at Publikasyon
Komisyon sa Wikang Filipino
2F Watson Bldg., 1610 JP Laurel St.,
Malacañang Palace Complex, San Miguel, Manila
Para sa kaukulang tanong o paglilinaw, sumulat sa komfil.gov@gmail.com o tumawag sa (02) 736- 2525 loc. 101 o 107 at hanapin si Minda Blanca L. Limbo o Jomar I. Cañega. Bisitahin din ang http://www.kwf.gov.ph para sa karagdagang impormasyon.
Ang Komisyon sa Wikang Filipino ay ang natatanging ahensiyang pangwika sa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo ng Filipinas. Itinatag sa pamamagitan ng Batas Republika Blg. 7104 ng 1991, inaatasan itong “tiyakin at itaguyod ang ebolusyon, pagpapaunlad at pagpapayaman pa ng Filipino na wikang pambansa ng Pilipinas, batay sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at iba pang wika.”
Press release mula sa Komisyon sa Wikang Filipino.
Please send me a personal letter of invitation to be submitted to the administration for approval. Thank you.
Ester Torres-Rada, PhD. San Beda College Manila, Philippines
Ms. Rada, please address your concerns to the office of KWF: “Para sa kaukulang tanong o paglilinaw, sumulat sa komfil.gov@gmail.com o tumawag sa (02) 736- 2525 loc. 101 o 107 at hanapin si Minda Blanca L. Limbo o Jomar I. Cañega. Bisitahin din ang http://www.kwf.gov.ph para sa karagdagang impormasyon.”
News items posted here on Kalatas are just from press releases by the respective organization/office.