News

Rizalirahan ngayong Hunyo 18

rizalirahan

Sa bisperas ng ika-152 kaarawan ng ating Pambansang Bayani, inihahandog ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) ang RizaLIRAhan. Samahan ang mga makata ng LIRA sa isang gabi ng tula at musika para kay Jose Rizal sa ika-18 ng Hunyo, 2013, Martes, 7 hanggang 9 ng gabi, sa Conspiracy Bar, Visayas Avenue, Lungsod Quezon. Ito ay libre at bukas sa publiko.

Magbabahagi ng tula sina RR Cagalingan, Dakila Cutab, Ralph Lorenz Fonte, Aldrin Pentero, Noel Clemente, Alyssa Manalo, JP Anthony Cuñada, Joel Donato Jacob, Paul Castillo, Maureen dela Cruz, Phillip Yerro Kimpo Jr., Christa I. De La Cruz, Karl Orit, Jacob Walse-Dominguez, Caren Tevanny, at iba pang mga kaibigan sa sining at panitikan.

Ang LIRAhan ay programa ng LIRA na ginaganap tuwing ikatlong Martes ng bawat buwan. Kahit nakatuon ang pansin sa mga tula at akdang naisulat sa Filipino, ito ay bukas sa mga magbabasa sa Ingles at iba pang wika.

Ang LIRA ang nangungunang samahan ng mga makatang nagsusulat sa Filipino. Itinatag noong 1985 ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Virgilio S. Almario (aka Rio Alma), nagsilbi itong matagumpay na linangan ng di iilang batikang makata, tulad nina Victor Emmanuel Carmelo Nadera, Romulo Baquiran Jr., Michael M. Coroza, Roberto Añonuevo, Rebecca Añonuevo, Jerry Gracio, at Edgar Calabia Samar. Noong 2011, kinilala ito bilang isa sa Ten Accomplished Youth Organizations (TAYO) para sa mga gawain ng paglilingkod sa ngalan ng tula ng mga makatang-boluntaryo nito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s