Idaraos ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) ang ikaapat na “Umpilan”, ang serye ng mga panayam hinggil sa mga panitikan ng Filipinas, sa pagtalakay sa lagay at tunguhin ng panitikang Tsinoy, sa Hunyo 21, 2013, 4:30 pm, sa Social Science Conference Rooms 1 & 2 ng Pamantasang Ateneo de Manila.
Tampok na mga tagapanayam sina Shirley Lua at Ronald Baytan. Si Joaquin Sy ang tagapagpadaloy.
Bukás ang aktibidad sa publiko, lalo na sa mga guro at mag-aaral ng Panitikan ng Filipinas. Inaanyayahan ding dumalo ang mga kasapi at ibig maging kasapi ng UMPIL.
Para sa iba pang detalye, maaaring magpadala ng mensahe kay Dr. Michael M. Coroza, Secretary General ng UMPIL, sa mcoroza@ateneo.edu o kay Bb. Eva Garcia Cadiz sa gondour03@yahoo.com.
Ang “Umpilan” ay programa ng UMPIL, sa pakikipagtulungan ng Ateneo Institute for Literary Arts and Practices (AILAP) at Kagawaran ng Filipino ng Paaralan ng Humanidades ng Pamantasang Ateneo de Manila.
Maaari ring bisitahin ang Kalatas, opisyal na pahayagan ng UMPIL, sa Facebook at Twitter para sa mga balita at artikulo sa panitikan, kultura, at sining.