News

Albay, unang destinasyon ng Sulong: Dangal ng Filipino 2013

sulong dangal

Itataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), sa pakikipagtulungan ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA), Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA), Filipinas Institute of Translation (FIT), Bicol University, at Lalawigan ng Albay, ang una sa serye ng pambansang seminar-workshop na SULONG: DANGAL NG FILIPINO 2013. Gaganapin ito sa Hunyo 26-28, 2013, 8 nu-5 nh sa Bicol University, Legazpi, Albay.

Layunin ng pambansang seminar-workshop ang malawakang pagpapalaganap ng mga napapanahong kaalaman sa wika at kulturang Filipino sa buong bansa. Inaanyayahan, sa pamamagitan ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED) at Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), ang mga mananaliksik, propesor, superbisor, guro, at mag-aaral na dumalo at makilahok sa naturang programa.

Magtatampok ang programa ng Eksibit ng Sagisag Kultura sa unang araw, talakayan ng Ortograpiyang Pambansa sa ikalawang araw, at ang pampanulaang seminar na Sining ng Tugma’t Sukat sa ikatlong araw. May pakitang-turo at malayang talakayan ang bawat paksa na naglalayong palalimin ang pag-unawa at pagpapahalaga ng mga kalahok hinggil sa wika, kultura, at panitikan ng Filipinas.

Para sa detalye ng pagpapatalâ sa programa, makipag-ugnayan lamang kay Direktor Alwin Napocao ng Bicol University sa armn11@yahoo.com o sa pswf_bu@yahoo.com.

Ang KWF ay ang natatanging ahensiyang pangwika sa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo ng Filipinas. Itinatag sa pamamagitan ng Batas Republika Blg.7104 ng 1991, inaatasan itong “tiyakin at itaguyod ang ebolusyon, pagpapaunlad at pagpapayaman pa ng Filipino na wikang pambansa ng Filipinas, batay sa umiiral na mga wika ng Filipinas at iba pang wika.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s