News

LIRAHAN sa Filipinas ngayong Hulyo 16

lirahan0713

Samahan ang mga makata ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) at mga kaibigan sa sining sa isa na namang gabi ng tula at musika sa ika-16 ng Hulyo, 2013, Martes, 7 hanggang 9 ng gabi, sa Conspiracy Bar, Visayas Avenue, Lungsod Quezon. Ito ay libre at bukas sa publiko.

MGA MAGBABASA:
RR Cagalingan
Dakila Cutab
Aldrin Pentero
Noel Clemente
Alyssa Manalo
JP Anthony Cuñada
Paul Castillo
Maureen dela Cruz
Phillip Yerro Kimpo Jr.
Karl Orit
Jacob Walse-Dominguez

May natatanging pagtatanghal mula sa bandang “5 Year Plan.”

Ang LIRAhan ay programa ng LIRA na ginaganap tuwing ikatlong Martes ng bawat buwan. Kahit nakatuon ang pansin sa mga tula at akdang naisulat sa Filipino, ito ay bukas sa mga magbabasa sa Ingles at iba pang wika. Mag-iwan lang ng mensahe sa Facebook Event Page ang mga nais magbasa o magtanghal.

Ang LIRA ang nangungunang samahan ng mga makatang nagsusulat sa Filipino. Itinatag noong 1985 ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Virgilio S. Almario (aka Rio Alma), nagsilbi itong matagumpay na linangan ng di iilang batikang makata, tulad nina Victor Emmanuel Carmelo Nadera, Romulo Baquiran Jr., Michael M. Coroza, Roberto Añonuevo, Rebecca Añonuevo, Jerry Gracio, at Edgar Calabia Samar. Noong 2011, kinilala ito bilang isa sa Ten Accomplished Youth Organizations (TAYO) para sa mga gawain ng paglilingkod sa ngalan ng tula ng mga makatang-boluntaryo nito.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s