Interview

Interview: Ani Rosa Almario

ni Michael Jude Tumamac

Bukod sa pagiging Bise-Presidente ng Adarna House, si Ani Rosa Almario ay Secretary-General ng Philippine Board on Books for Young People at direktor ng progresibong paaralan na The Raya School. Malugod niyang sinagot ang ilang tanong bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Children’s Book Month.

Ani Rosa Almario-David

Ani Rosa Almario

Kalatas: Paano ninyo ipinagdiriwang ang National Children’s Book Day?

Almario: Ipagdiriwang ko ito sa CCP, sa official ceremonies ng PBBY. Sana kasama ang mga ilustrador at manunulat na nanalo ng PBBY-Salanga Prize at PBBY-Alcala Prize mula pa noong 1980s.

Kalatas: Ano ang mga paborito ninyong aklat o akdang pambata?

Almario: Napakarami at papalit-palit. Lagi kong inaabangan ang mga bagong libro nina Shaun Tan, Lizbeth Zwerger, Neil Gaiman at Peter Sis. Gustong-gusto ko ang children’s stories ni Oscar Wilde; ang Last Giant ni Francois Place; Rabbits ni Shaun Tan; Madlenka ni Peter Sis; Love that Dog ni Sharon Creech; Switch on the Night ni Ray Bradbury at Blueberry Girl ni Neil Gaiman. Sa lokal, paborito ko ang mga unang aklat ng Adarna mula sa 1980s–bago dumating ang censorship!

Kalatas: Ano ang mga hindi ninyo makalilimutang karanasan sa paglalathala ng mga aklat pambata?

Almario: Siguro yung mga panahon na nakatrabaho ko sina Rene Villanueva, Albert Gamos, at Ibarra Crisostomo. Kasi nakilala ko sila noong maliit pa ako. Nakatutuwang nakatrabaho ko pa sila paglaki ko. Natutuwa rin ako kapag may lumalapit sa akin para sabihin sa akin na lumaki sila sa Aklat Adarna, at ngayon, Adarna pa rin ang binabasa ng mga anak nila.

Kalatas: Ano pa po sa tingin niyo ang mga aklat na kailangang mailathala para sa mga batang Filipino?

Almario: Sana mga aklat na postmodern ang art. Sana mas marami pang libro para sa mga batang 10 pataas–mga chapter book at young adult.

Kalatas: Anong mga inaasahan naming book project mula sa inyo sa hinaharap?

Almario: Sana young adult.

Si Michael Jude Tumamac ay miyembro ng Kuwentista ng mga Tsikiting (KUTING) at Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA). Bisitahin ang kanyang blog xizuqsnook.blog.com o Facebook page Xi Zuq’s Nook para sa iba pang rebyu ng aklat-pambata.

Advertisement

One thought on “Interview: Ani Rosa Almario

  1. Pingback: ANI ROSA ALMARIO | Xi Zuq's Nook

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s