Interview

Interview: Felinda Bagas

ni Michael Jude Tumamac

Felinda Bagas, Pangulo ng KUTING

Felinda Bagas, Pangulo ng KUTING

Kasalukuyang pangulo si Felinda Bagas ng Kuwentista ng mga Tsikiting (KUTING), ang natatanging organisasyon ng mga manunulat para sa bata at kabataan sa Filipinas. Bukod sa siya ang manunulat ng ilalabas na aklat na The Little Girl in a Box (na pinarangalan ng Honorable Mention sa 2012 PBBY-Salanga Writers’ Prize), manlilikha rin siya ng mga dula, musical at iskrip sa telebisyon.

Malugod niyang sinagot ang ilang tanong sa Kalatas bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Children’s Book Day/Month.

Kalatas: Paano ninyo ipinagdiriwang ang National Children’s Book Day/Month?

Bagas: Ipinagdiriwang ko ang National Children’s Book Day/Month sa pamamagitan ng pagdalo sa ilang mga selebrasyong kaakibat nito, tulad ng selebrasyon ng PBBY. Ipinagdiriwang ko rin ito sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga akdang pambata at pagbigay ng suporta sa maraming manunulat at manlilikha ng akdang pambata.

Nais ko rin sanang isipin na sa pamamagitan ng KUTING, at mga proyekto ng KUTING, sa pamamagitan ng patuloy na pagsusulat at paglikha, sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta sa mga natatanging proyektong naglilinang ng kahusayan ng mga manlilikha ng akdang pambata, sa pamamagitan ng patuloy na pagpapalaganap at pagpapabuti ng larangan ng literaturang pambata, na magagawa kong gawing ang bawat araw ay isang pagdiriwang ng mga akdang pambata.

Kalatas: Ano ang paborito niyong aklat o akdang pambata?

Bagas: Marami akong paboritong akdang pambata pero ang pinaka-pinaka-pinakapaborito ko ay ang koleksiyon ng mga tulang pambata ni Shel Silverstein, ang Where the Sidewalk Ends. Sa palagay ko kasi, kinakatawan ng mga tula sa koleksiyong ito ang pagkamalaruin ng isang bata, ang pagkamalaruin ng kaniyang imahinasyon. Nakakatuwa rin ang mga ilustrasyon.

Kalatas: Ano ang mga hindi ninyo makalilimutang karanasan sa pagsusulat ng mga aklat pambata?

Bagas: Ang hindi ko makakalimutang karanasan sa pagsusulat ng aklat pambata ay ang makatanggap ng text mula sa PBBY na nagwagi ako ng honorable mention sa PBBY-Salanga. Nagtatatalon yata ako sa tuwa.

Kalatas: Dahil ipinagdiriwang ng KUTING ang 2nd Nine Lives nito, ano ang aasahan namin mula sa organisasyon?

Felinda Bagas_KUTING

Bagas: Maraming aasahan mula sa KUTING. Maraming mga book projects, ilang mga lectures at workshops na bukas para sa lahat, ilang outreach programs at mga programa para sa pagpapalakas ng pakikipag-ugnayan sa iba pang mga organisasyon at institusyon na ang adbokasiya, katulad ng KUTING, ay ang mapalaganap at mapagbuti ang literaturang pambata sa bansa.

Una nang maaaring asahan ng lahat ay ang KUTING Kuwentuhan, isang serye ng mga lectures, panel discussions at workshops na gaganapin simula Agosto at pangungunahan ng maraming manlilikha, mga guro at mga eksperto sa larangan ng literaturang pambata.

Bisitahin ang KUTING website o i-like ang Facebook page nito upang subaybayan ang kanilang mga proyekto at iba pang gawain.

Kalatas: Ano pa po, sa tingin ninyo, ang mga akdang kailangang maisulat para sa mga batang Filipino?

Bagas: Higit sa marami pang tema na maaari pang maging tema ng mga akdang pambata, nais ko sanang makakita ng mga akdang nag-eeksperimento sa porma na mas naaangkop sa mas nakababatang batang Filipino. Gusto ko ring makabasa ng mga historical fiction at marami pang YA books na mas nakagiya sa kulturang Filipino. Gusto ko rin ng mga librong tumatalakay sa sining, at mga personalidad ng sining, sa Filipinas.

Kalatas: Ano po ang mga aasahan naming mga proyekto sa inyo sa hinaharap?

Bagas: Gusto kong makapagsulat ng isang YA novel, ng isang dula at musical na pambata, at isang pelikulang pambata.

Si Michael Jude Tumamac ay miyembro ng Kuwentista ng mga Tsikiting (KUTING) at Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA). Bisitahin ang kanyang blog xizuqsnook.blog.com o Facebook page Xi Zuq’s Nook para sa iba pang rebyu ng aklat-pambata.

Advertisement

3 thoughts on “Interview: Felinda Bagas

  1. Pingback: FELINDA BAGAS | Xi Zuq's Nook

  2. Pingback: Review: The Little Girl in a Box | KALATAS: Philippine Literature, Culture, & Ideas

  3. Pingback: The Little Girl in a Box | Xi Zuq's Nook

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s