News

Seryeng Panayam tungkol kay Bonifacio, sisimulan sa Agosto 17

seryengboni01

Inihahandog ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA), sa pakikipagtulungan ng Matanglawin, opisyal na pahayagang pang-mag-aaral ng Pamantasang Ateneo de Manila, ang una sa apat na lekturang pagpupugay sa Supremo ng Katipunan, “Aputol apaa, hindi atakbo: Si Bonifacio at ang Siste sa Istorya Bilang Kabilang Mukha ng mga Kabayanihan” ni Joselito D. Delos Reyes. Ito ay gaganapin sa Agosto 17, 2013, sa Faura Hall AVR, Pamantasang Ateneo de Manila.

Ang Seryeng Panayam: Andres Bonifacio ay nasa pangangasiwa ni Louie Jon Sanchez, pangalawang pangulo ng LIRA. Ito ay libre at bukas sa publiko.

RSVP: https://www.facebook.com/events/384303758358209/

Ang LIRA ang nangungunang samahan ng mga makatang nagsusulat sa Filipino. Itinatag noong 1985 ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Virgilio S. Almario (aka Rio Alma), nagsilbi itong matagumpay na linangan ng di iilang batikang makata, tulad nina Victor Emmanuel Carmelo Nadera, Romulo Baquiran Jr., Michael M. Coroza, Roberto Añonuevo, Rebecca Añonuevo, Jerry Gracio, at Edgar Calabia Samar. Noong 2011, kinilala ito bilang isa sa Ten Accomplished Youth Organizations (TAYO) para sa mga gawain ng paglilingkod sa ngalan ng tula ng mga makatang-boluntaryo nito. Si Phillip Kimpo Jr. ang kasalukuyang presidente ng LIRA.

Bisitahin ang LIRA sa Facebook (/PalihangLIRA) at Twitter (@makatangLIRA) para sa iba pang detalye.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s