News

‘Tulaan sa Facebook,’ suportado ng Filipinas Heritage Library

fbicon-sponsors

Ikinagagalak ianunisyo ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA), ang mga papremyong igagawad sa pangkalahatang magwawagi ng Tulaan sa Facebook, isang paligsahan ng mga tulang nasa katutubong anyo ng Filipinas. Sa pakikipagtulungan ng Filipinas Heritage Library (FHL), ang mga mananalo ay makakakuha ng mga sumusunod:

Unang Gantimpala: Php 3,000 plus one year Ayala Museum – FHL membership
Ikalawang Gantimpala: Php 2,000 plus one year Ayala Museum – FHL membership
Ikatlong Gantimpala: Php 1,000 plus one year Ayala Museum – FHL membership

Sa Tulaan sa Facebook, tampok sa mga lahok ang anyong diyona–-isang tulang may iisang saknong, may isahang tugma, binubuo ng tatlong taludtod, at may pitong pantig sa bawat taludtod. Bahagi ito ng pagdiriwang ng taong sesquicentennial ng kapanganakan ni Andres Bonifacio.

Ito ay bukas mula pa noong Hunyo 15, 2013 at ipagpapatuloy hanggang Nob. 15, 2013. Bago maglahok ng tula, kailangang i-”Like” ang opisyal na Facebook Page ng LIRA: “Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo” at puntahan ang Facebook Group: “Tulaan sa Facebook 2013.”

TUNTUNIN: https://www.facebook.com/notes/linangan-sa-imahen-retorika-at-anyo/tulaan-sa-facebook-2013-updated/605266386159235

Gaya ng dati nang naanunsiyo, mamimili ng limang pinakamahuhusay na tula sa bawat buwan. Ang mga ito ang pagpipilian ng mga hurado sa huling bahagi ng timpalak (Nobyembre). Ipapaskil ang limang diyona sa Facebook Page ng LIRA tuwing ika-15 ng susunod na buwan at babasahin sa buwanang poetry reading ng LIRA tuwing ikatlong Martes sa Conspiracy Bar, Visayas Avenue, Quezon City.

Ang limang magwawagi sa bawat buwan ng Tulaan sa Facebook ay makakakuha ng libro galing sa Ateneo de Manila University Press at University of Santo Tomas Publishing House.

Para sa iba pang katanungan, magpadala ng mensahe sa Facebook Page ng LIRA. Ang tagapangasiwa ng Tulaan sa Facebook ay si Christa I. De La Cruz, kasalukuyang Ugnayang Pangmadla ng LIRA. Katuwang sa proyekto sina Noel Clemente at Conrad Nuyles.

logo_lira

Ang Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) ang nangungunang samahan ng mga makatang nagsusulat sa Filipino. Itinatag noong 1985 ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Virgilio S. Almario (aka Rio Alma), nagsilbi itong matagumpay na linangan ng di iilang batikang makata, tulad nina Victor Emmanuel Carmelo Nadera, Romulo Baquiran Jr., Michael M. Coroza, Roberto Añonuevo, Rebecca Añonuevo, Jerry Gracio, at Edgar Calabia Samar. Noong 2011, kinilala ito bilang isa sa Ten Accomplished Youth Organizations (TAYO) para sa mga gawain ng paglilingkod sa ngalan ng tula ng mga makatang-boluntaryo nito. Si Phillip Kimpo Jr. ang kasalukuyang pangulo ng LIRA.


logo_filipinas heritage library

Filipinas Heritage Library
6/F Ayala Museum, Makati Avenue cor. Dela Rosa Street, Greenbelt Park, Lungsod ng Makati
Martes-Sabado, 9 n.u. – 6 n.h.
(02) 757-7117 loc 36
asklibrarian@filipinaslibrary.org.ph

logo_ateneo press

Ateneo de Manila University Press
Bellarmine Hall, Pamantasang Ateneo de Manila, Katipunan Avenue, Loyola Heights, Lungsod ng Quezon
Lunes-Martes, 8 n.u.-6 n.h.
Biyernes, 8 n.u.-5 n.h.
(02) 426-6001 loc 4613
unipress@admu.edu.ph

logo_ustph

University of Santo Tomas Publishing House
Beato Angelico Building, Unibersidad ng Santo Tomas, Lungsod ng Maynila
Lunes-Biyernes, 8 n.u.-5 n.h.
(02) 406-1611 loc 8424
publishing@mnl.ust.edu.ph


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s