News

‘Sa North Diversion Road,’ itatanghal ng Artistang Artlets

Gaano kahaba ang isang highway para sa dalawang pusong nasasaktan?

Inihahandog ng Artistang Artlets, ang opisyal na samahang pang-teatro ng Pakultad ng Sining at Panitik ng Unibersidad ng Santo Tomas, ang Sa North Diversion Road na isinulat ng Don Carlos Palanca at FAMAS awardee na si Tony Perez.

FINAL POSTER1

Ilang beses nang itinanghal sa entablado, at minsan pang ginawang isang pelikula na pinagbidahan nila John Arcilla at Irma Adlawan, ang Sa North Diversion Road ay tungkol sa pag-ibig at pangangaliwa. Binubuo ito ng iba’t-ibang istorya na tumutukoy sa mga dahilan at mga posibleng kahantungan ng isang nasirang pagmamahalan habang binabaybay ang kahabaan ng highway.

Sa direksyon ni Ma. Kristina Magno at sa pamamahala ni Christine Emano, ang North Diversion Road ay gaganapin sa Setyembre 24, 25, 26, at 27, 2013, sa mga oras na 10am, 1pm, 4pm, and 7pm. Isasadula ito sa Tan Yan Kee Auditorium, Tan Yan Kee Building, Unibersidad ng Santo Tomas.

Para sa iba pang mga katanungan, maaaring tawagan si Cymon Denise Mercado sa numerong (0927)329-6953 o maaaring bisitahin ang Facebook page ng Artistang Artlets.

Kung alam mo na ang katotohanan, saan ka pupunta?

Press release from Artistang Artlets. KALATAS is a media sponsor of Artistang Artlets’ ‘Sa North Diversion Road’ production.

One thought on “‘Sa North Diversion Road,’ itatanghal ng Artistang Artlets

  1. Pingback: ‘Sa North Diversion Road,’ itatanghal ng Artistang Artlets | Talking to the Moon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s