News

‘May Katwiran Ang Katwiran,’ ipalalabas ng Teatro Baguntao

Sa ika-15 tagdula na pinamagatang Pagbabalatkayo, muling itatanghal ng Teatro Baguntao ang klasikong dula ng Pambansang Alagad ng Sining, Rolando S. Tinio, ang May Katwiran Ang Katwiran. Isinulat ni Tinio noong 1981, ang dulang ito ay isa sa pinakamagandang dula na nasa anyong Brecht. Pinag-uusapan nito ang pagkakahati ng lipunan na makikita sa mga tauhang sina Senyor at Kasama.

Poster 3

Sa disenyo ng musika ni Sage Ilagan, isang mag-aaral sa Mataas na Paaralang Ateneo de Manila, at disenyo ng produksyon at direksyon ni G. Ron B. Capinding, muling itatanghal ng Teatro Baguntao ang nasabing dula sa ika-13 at 14 ng Setyembre, 2013, ganap na alas-7 ng gabi, sa Bulwagang Hayes, Mataas na Paaralang Ateneo de Manila.

Ang bawat tiket ay nagkakahalagang Php150 kada tao. Maaaring tawagan o i-text si Aric Mamonluk sa (0917) 868-8033 o si Stef Aranas sa (0917) 869-3402.

Ang Teatro Baguntao ay isang organisasyong panteatro mula sa Mataas na Paaralang Ateneo de Manila, na binubuo ng mga estudyanteng naglalayong makapagtaguyod ng wikang Filipino at makapagdulot ng panlipunang kamulatan sa pamamagitan ng pagtatanghal ng iba’t ibang dula. Para sa karagdagang impormasyon, magpadala ng e-mail sa teatrobaguntao@yahoo.com o mag-iwan ng mensahe sa facebook.com/baguntao.

Press release from Teatro Baguntao.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s