News

LIRAHAN sa Conspiracy ngayong Set. 17

UPDATED, Set. 13–Samahan ang mga makata ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) at mga kaibigan sa sining sa isa na namang gabi ng tula at musika sa ika-17 ng Setyembre, 2013, Martes, 7 hanggang 9 ng gabi, sa Conspiracy Bar, Visayas Avenue, Lungsod Quezon. Ito ay libre at bukas sa publiko.

lirahan0913

Pinamagatang “Ani,” ang LIRAHAN ngayong buwan ay isang pagdiriwang ng pagkapanalo ng mga kasapi ng LIRA sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature 2013 at pagkakapili bilang finalists sa Manining Miclat Poetry Award sa Filipino ngayong taon. Pagbati kina:

– Enrique S Villasis (Tula – 1st: MANANSALA)
– April Jade I. Biglaen (Tulang Pambata – 2nd: FAMILY TREE NG TUMUBO SA ANIT)
– Lucky Virgo Joyce Tinio (Maikling Kuwentong Pambata – 3rd: SALUSALO PARA KAY KUYA)
– Salvador T Biglaen (Sanaysay – 2nd: GABAY SA GURONG-LIKOD)
– Nadeth Rae E Rival (Short Story for Children – 1st: MARVINO’S LEAGUE OF SUPERHEROES)
– Paul Alcoseba Castillo (Finalist, Maningning Miclat Poetry Award for Filipino)
– Phillip Yerro Kimpo Jr. (Finalist, Maningning Miclat Poetry Award for Filipino)

MGA MAGBABASA:
RR Cagalingan
Dakila Cutab
Aldrin Pentero
Noel Clemente
Alyssa Manalo
JP Anthony Cuñada
Paul Castillo
Christa I. De La Cruz
Phillip Yerro Kimpo Jr.
Karl Orit

May natatanging pagtatanghal mula kay Tao Aves.

Kikilalanin din ang pinakamahuhusay na lahok para sa buwan ng Hunyo/Hulyo at Agosto sa timpalak na “Tulaan sa Facebook.” Ang Tulaan sa Facebook ay isang paligsahan ng mga tulang nasa katutubong anyo ng Filipinas. Sa paligsahang ito, itatampok ng mga lahok sa patimpalak ang anyong diyona—isang tulang may iisang saknong, may isahang tugma, binubuo ng tatlong taludtod, at may pitong pantig sa bawat taludtod.

Ang LIRAhan ay programa ng LIRA na ginaganap tuwing ikatlong Martes ng bawat buwan. Kahit nakatuon ang pansin sa mga tula at akdang naisulat sa Filipino, ito ay bukas sa mga magbabasa sa Ingles at iba pang wika. Mag-iwan lang ng mensahe sa Facebook Event Page ang mga nais magbasa o magtanghal.

Ang LIRA ang nangungunang samahan ng mga makatang nagsusulat sa Filipino. Itinatag noong 1985 ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Virgilio S. Almario (aka Rio Alma), nagsilbi itong matagumpay na linangan ng di iilang batikang makata, tulad nina Victor Emmanuel Carmelo Nadera, Romulo Baquiran Jr., Michael M. Coroza, Roberto Añonuevo, Rebecca Añonuevo, Jerry Gracio, at Edgar Calabia Samar. Noong 2011, kinilala ito bilang isa sa Ten Accomplished Youth Organizations (TAYO) para sa mga gawain ng paglilingkod sa ngalan ng tula ng mga makatang-boluntaryo nito. Si Phillip Kimpo Jr. ang kasalukuyang presidente ng LIRA.

Bisitahin ang LIRA sa Facebook at Twitter para sa iba pang detalye.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s