News

Tulaan sa Facebook 2013: Magpapatuloy hanggang Oktubre 31

fbicon-sponsors

Ang huling araw ng paglahok sa Tulaan sa Facebook, proyekto ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA), ay sa Oktubre 31, 2013 (Huwebes). Una nang naianunsiyo na tatanggap ng mga lahok hanggang Nobyembre 15, 2013 ngunit napagdesisyunan ng mga tagapangasiwa na kakailanganin ng dagdag na panahon para makapamili ng tatlong magwawagi ng Tulaan sa Facebook.

Gagawaran ang tatlong magwawagi ng Php 3,000, Php 2,000, at Php 1,000 galing sa Arts and Culture Division ng Ayala Foundation, Inc. Makakakuha rin ang tatlo ng isang taong membership sa Ayala Museum at Filipinas Heritage Library. Ang resulta ay iaanunsiyo sa Araw ni Bonifacio, Nobyembre 30, 2013.

Katulad ng mga nakaraang buwan, ipapaskil ang limang pinakamahuhusay na tula para sa isang buwan sa Facebook Page ng LIRA tuwing ika-15 ng susunod (Oktubre 15 at Nobyembre 15). Makakakuha sila ng libro galing sa Ateneo de Manila University Press at University of Santo Tomas Publishing House. Ang mga tulang maipapaskil sa Facebook Page ang pagpipilian ng mga hurado sa huling bahagi ng timpalak.

MONTHLY WINNERS
Hunyo-Hulyo: http://wp.me/p326Rc-MK
Agosto: http://wp.me/p326Rc-Pw
Setyembre: Abangan sa Oktubre 15.
Oktubre: Abangan sa Nobyembre 15.

Ang Tulaan sa Facebook ay isang paligsahan ng mga tulang nasa katutubong anyo ng Filipinas. Tampok sa mga lahok ang anyong diyona–isang tulang may iisang saknong, may isahang tugma, binubuo ng tatlong taludtod, at may pitong pantig sa bawat taludtod. Bahagi ito ng pagdiriwang ng taong sesquicentennial ng kapanganakan ni Andres Bonifacio.

TUNTUNIN: http://wp.me/p326Rc-GF

Para sa iba pang katanungan, magpadala ng e-mail sa tulaansafb@gmail.com. Ang tagapangasiwa ng proyektong ito ay si Christa I. De La Cruz, kasalukuyang Ugnayang Pangmadla ng LIRA. Katuwang sa proyekto sina Noel Clemente at Conrad Nuyles.

Ang Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) ang nangungunang samahan ng mga makatang nagsusulat sa Filipino. Itinatag noong 1985 ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Virgilio S. Almario (aka Rio Alma), nagsilbi itong matagumpay na linangan ng di iilang batikang makata, tulad nina Victor Emmanuel Carmelo Nadera, Romulo Baquiran Jr., Michael M. Coroza, Roberto Añonuevo, Rebecca Añonuevo, Jerry Gracio, at Edgar Calabia Samar. Noong 2011, kinilala ito bilang isa sa Ten Accomplished Youth Organizations (TAYO) para sa mga gawain ng paglilingkod sa ngalan ng tula ng mga makatang-boluntaryo nito. Si Phillip Kimpo Jr. ang kasalukuyang pangulo ng LIRA.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s