Review

Review: ‘Ang Bakkhai’ ng Tanghalang Ateneo

ni Xi Zuq

Sa direksiyon ni JK Anicoche ng Sipat Lawin Ensemble, salin sa Filipino ni Guelan Larca, disenyo ng produksiyon ni Leeroy New at katuwang na direksiyon ni Jay Caluag, isang paglango sa sarili, imahinasyon at pagdamdam ang dulang “Ang Bakkhai”.

“Ang Bakkhai” ay tungkol sa pagbabalik ni Dionysius sa Thebes upang maghiganti sa pagmamaltrato sa kaniyang ina at hindi pagbibigay ng karampatang pagsamba. Sa kaniyang pagbabalik, nagbalatkayo siya bilang isang estranghero at may dalang grupo ng kababaihan. Ang kababaihang ito ay mahalagang papel upang maparusahan ang haring si Pentheus.

Sa pagsasadulang ito, nilango ng dula kapuwa ang mga nagsipagagnap at mga manonood sa pamamagitan ng pagpaparanas ng iba’t ibang uri ng pakiramdaman. Una, nakakabighani ang seksuwal na tensiyong inihahatid ng mga kababaihang dala ng nagbaltkayong si Dionysius. Sa kanilang natatanging papel sa dula, ginamit sila upang maisulong ang layunin ni Dionysius—na siya ring layuning ipakita ng dula.

Nakakatawa naman ang papel ni Pentheus, na ang papel sa dula ay upang gawing halimbawa ng kaparusahan sa hindi pagsamba kay Dionysius at ang kaniyang ina. Sa kaniyang komikong katangian, sinusubukang pagaanin ng dula ang inaambangan ng mga manonood na masaklap niyang katapusan. Sinubukan din ng disenyo ng kaniyang kasuotan, lalo na ang koronang gawa sa mga tenedor at kutsara, na palitawin ang kaniyang katangian.

Ngunit namayani na ang takot at ligalig nang magbukas ang ikalawang bahagi ng dula. Dito natunghayan ng mga manonood na pinatay ni Ague ang sarili niyang anak na si Pentheus. Napagtanto niya sa huli na ginamit siya ni Dionysius upang turuan ng leksiyon ang sarili niyang anak at maging ang kanilang bayan sa pagmamaltrato sa ina ng diyos. Sa bahaging ito, mahusay na naipahiwatig ng gumanap kay Ague ang pait ng higanti ni Dionysius.

Sa huli, namangha ang mga manonood sa pagpupugay sa kadakilaan ni Dionysius. Lalabas siyang makatarungan.

Lalabas ang mga manonood na nanood at nakakuha ng iba’t ibang danas ng pagdamdam. Pinatindi pa ito sa hindi pangkaraniwang anyo ng entablado, pasukan ng mga nagsiganap, kasuotan, at maging ang pag-iilaw.

Ang Bakkhai Poster

Itinanghal ang Ang Bakkhai mula Setyembre 12, 2013 hanggang Setyembre 21, 2013 sa Black Box, Fine Arts Annex, Pamantasan ng Ateneo de Manila.

Ang Bakkhai ay ang pangalawa sa apat na dula ng Tanghalang Ateneo para sa kanilang ika-35 tagdula na pinamagatang Reimagining the Greeks. Una nang itinanghal ang Ang Oresteyas (sa direksiyon nina Ricardo Abad at Myra Beltran) noong Hulyo sa Rizal Mini-Theater, Faber Hall.

[Review: Ang Paghahatol sa Bahay ng Dugo]

Ang susunod na dula, Eurydice (sa direksiyon ni Loy Arcenas), ay ipalalabas sa Nobyembre 14-30, 2013 sa Black Box, Fine Arts Annex. Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kay Gel Basa sa 0917-6309097 o tanghalangateneo@gmail.com. Bisitahin din ang Tanghalang Ateneo sa Facebook.

Si Xi Zuq ay kasapi ng Kuwentista ng mga Tsikiting (KUTING) at Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA). Bisitahin ang blog na xizuqsnook.com o Facebook page na Xi Zuq’s Nook para sa mga rebyu ng aklat pambata.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s