News

Sugod sa LIRAHAN sa Nob. 19

Samahan ang mga makata ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) at mga kaibigan sa sining sa isa na namang gabi ng tula at musika sa ika-19 ng Nobyembre, 2013, Martes, 7 hanggang 9 ng gabi, sa Conspiracy Bar, Visayas Avenue, Lungsod Quezon. Bahagi ito ng pagdiriwang ng taong sesquicentennial ng kapanganakan ni Andres Bonifacio.

Tatanggap po sa LIRAHAN ng pera para ipaabot sa mga kapatid natin sa mga nasalantang lugar ng bagyong Yolanda. Idadagdag din dito ang makakalap sa mabebentang mga aklat ni Bebang Siy (dating pangulo ng LIRA): It’s a Men’s World [Anvil, 2011] at Marne Marino [Vibal, 2013] at iba pang interesadong mag-ambag ng libro sa booksale.

lirahan1119

Ang LIRAHAN ay libre at bukas sa publiko.

MGA MAGBABASA:
RR Cagalingan
Dakila Cutab
Aldrin Pentero
Noel Clemente
Alyssa Manalo
JP Anthony Cuñada
Paul Castillo
Karl Orit

May natatanging pagtatanghal mula sa bandang “5 Year Plan”.

Ang LIRAhan ay programa ng LIRA na ginaganap tuwing ikatlong Martes ng bawat buwan. Kahit nakatuon ang pansin sa mga tula at akdang naisulat sa Filipino, ito ay bukas sa mga magbabasa sa Ingles at iba pang wika.

Ang LIRA ang nangungunang samahan ng mga makatang nagsusulat sa Filipino. Itinatag noong 1985 ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Virgilio S. Almario (aka Rio Alma), nagsilbi itong matagumpay na linangan ng di iilang batikang makata, tulad nina Victor Emmanuel Carmelo Nadera, Romulo Baquiran Jr., Michael M. Coroza, Roberto Añonuevo, Rebecca Añonuevo, Jerry Gracio, at Edgar Calabia Samar. Noong 2011, kinilala ito bilang isa sa Ten Accomplished Youth Organizations (TAYO) para sa mga gawain ng paglilingkod sa ngalan ng tula ng mga makatang-boluntaryo nito. Si Phillip Kimpo Jr. ang kasalukuyang presidente ng LIRA.

Bisitahin ang LIRA sa Facebook (/palihangLIRA) at Twitter (@makatangLIRA) para sa iba pang detalye.

*Larawan mula sa http://nhcp.gov.ph/nhcp/bonifacio/

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s