News

Writers Night sa Disyembre 6 na; subastahan, fundraising activities kasado na

Sa darating na taunang Writers Night sa Disyembre 6, ang tuon ng ating pansin at pagtulong ay sa mga manunulat at iba pang alagad ng sining na nasalanta ng bagyo, lindol, at iba pang kalamidad.

Kami po mula sa Likhaan: U.P. Institute of Creative Writing ay nag-aanyaya sa inyo na maghandog ng salapi at/o bagay mula sa inyong puso. Tulad ninyo, hiningian din po namin ng kanilang nilagdaang manuskrito at libro ang mga Pambansang Alagad ng Sining na sina Virgilio Almario, Bienvenido Lumbera, at Francisco Sionil Jose. Gayundin, nangalap din kami ng mahahalagang gamit ng mga manunulat gaya ng paboritong papet ni Amelia Lapeña Bonifacio o polo ni Cirilo Bautista o sombrero ni Teo Antonio o makinilya ni Rebecca Añonuevo.

Ang lahat ng ito po ay para sa kinaugaliang subasta o auction para makaipon ng pondo upang matulungan ang mga kaibigan nating nangangailangan ng ating tulong lalong-lalo na po ngayon.

Inaanyayahan po namin kayong magdala ng mga ambag o abuloy sa 6 Disyembre, o bago ang petsang ito upang makilahok–bilang magdodonasyon at/o mamimili–sa UP Faculty Center:

LIKHAAN: U.P. INSTITUTE OF CREATIVE WRITING
2F Bulwagang Jose Rizal
Unibersidad ng Pilipinas
Diliman, Lungsod Quezon

Magsisimula po ang programa sa Pulungang Recto at Pangkalahatang Pulong ang Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS) na magbibigay ng kita ng mga librong ginamit ng Departamento ng Edukasyon sa ganap na alas-kuwatro ng hapon.

Masusundan po ito ng pagbabahagi ng karanasan ng mga manunulat na nominado sa Madrigal-Gonzalez Best First Book Award. Pagkaraan po ng paglulunsad ng pinakabagong Likhaan Journal, magkakaroon po ng kaunting salo-salo.

At pagkagat ng dilim, sisimulan na natin ang subastahan na ipapaloob sa programang katatampukan ng mga pagtula at iba pang uri ng pagtatanghal ng mga manunulat at iba pang kapatid sa sining at kultura.

Para sa detalye, maaari po kayong tumawag sa (02)922-1830.

Press release from Panitikan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s