News

UST Artistang Artlets, aarangkada sa Disyembre

Ikaw ba, ano ang ipinaglalaban mo sa buhay mo?

Inihahandog ng Artistang Artlets, ang opisyal na samahang pang-teatro ng Pakultad ng Sining at Panitik ng Unibersidad ng Santo Tomas, ang “Dyip” na nagbigay ng unang Carlos Palanca Memorial Award for Literature para sa Dulang May Isang Yugto noong 2006 kay Christian Tordecillas.

ust-aa_dyip

Una itong itinanghal ng PNU-STAGE noong Enero 2010 at hindi kalaunan, ng iba’t iba pang samahang pang-teatro sa iba’t ibang unibersidad sa Pilipinas. Ang “Dyip” ay tungkol sa iba’t ibang tao na may kanya-kanyang pinagdadaanan at perspektibo sa buhay. Sa kabila nito ay pare-parehas nilang mapagtatanto na upang magkaroon ng isang magandang karanasan sa pagsakay ng dyip ay kailangan lamang gumawa ng mabuti at umiwas sa panghuhusga ng taong hindi naman nila kilala.

Sa direksyon ni Jerome Paul Ladan, at sa pamamahala ni Therese Renee Janine Zialcita, ang Dyip ay itatanghal sa Disyembre 4, 5 at 6, 2013 sa mga oras na 1pm, 3pm, and 5pm. Isasadula ito sa Albertus Magnus Auditorium, Education Building, Unibersidad ng Santo Tomas.

Para sa iba pang mga katanungan, maaaring tawagan o kontakin si Riann Montero sa numerong 09151278477 o maaaring bisitahin ang Facebook page ng Artistang Artlets.

DIS IS A PREE KANTRY! Kaya huwag nang magpahuli sa pagsakay sa DYIP. Onti na lang at lalarga na!

Press release from Artistang Artlets. KALATAS is a media sponsor of Artistang Artlets’ ‘Dyip’ production.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s