News

LÍKAW: LIRA Fellows Night 2013 ngayong Dis. 3

likaw

Samahan ang mga makata ng Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA) at mga kaibigan sa sining sa isang gabi ng tula ngayong darating na Martes, ika-3 ng Disyembre, alas 7-9 ng gabi sa Conspiracy Bar, Visayas Ave, Lungsod Quezon. Ito po ay libre sa publiko.

Isa itong pagdiriwang at pagtatapos ng mga fellows sa idinaos na taunang Pampanulaang Palihan ng LIRA ngayong 2013. Bunga ng mga natutuhan nila, sa gabing ito ilulunsad ang kanilang munting folio, ang “Líkaw”, na siya ring pangalan ng kanilang pangkat.

MGA MAGBABASA:

(Líkaw, LIRA Fellows 2013)

Franciel Breis
Anna Beth Calupas
Christian Paul Camposano
Earl Javier
Patrick Quintos
Marites Rogado
John Patrick Solano
John Anthony Teodosio

Kasabay sa paglulunsad ang pre-launching release sa halagang Php 350 ng “Kung Saan sa Katawan,” bagong koleksiyon ng tula ni Louie Jon Sanchez, pangalawang pangulo ng LIRA.

Magbebenta rin ng mga aklat na iniambag ng mga kasapi at kaibigan at ng LIRANG PILAK (isang antolohiya ng tula na inilunsad noong 2010 bilang pagdiriwang ng ika-25 taon ng LIRA). Ang maiipong pera mula sa mga mabebenta ay ipararating sa mga kababayang nasalanta ng bagyong Yolanda. Kung nais mag-ambag sa book sale, mag-iwan lang ng mensahe sa pahinang ito o Facebook Page ng LIRA.

Ang LIRA ang nangungunang samahan ng mga makatang nagsusulat sa Filipino. Itinatag noong 1985 ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Virgilio S. Almario (aka Rio Alma), nagsilbi itong matagumpay na linangan ng di iilang makata tulad nina Victor Emmanuel Carmelo Nadera, Romulo P. Baquiran Jr., Michael M. Coroza, Roberto Anonuevo, Rebecca Anonuevo, Jerry Gracio at Edgar Calabia Samar. Noong 2011, kinilala ito bilang isa sa Ten Accomplished Youth Organizations (TAYO) para sa mga gawain ng paglilingkod sa ngalan ng tula ng mga makatang-boluntaryo nito.

RSVP: https://www.facebook.com/events/201062800081487/

https://www.facebook.com/PalihangLIRA
https://twitter.com/makatangLIRA

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s