News

Talaang Ginto: Makata ng Taon 2014, tumatanggap na ng mga lahok

Inaanyayahan ang lahat ng mga makatang Filipino na sumali sa Talaang Ginto: Makata ng Taon 2014, isang prestihiyosong patimpalak sa tula na pinangangasiwaan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Nilalayon ng timpalak na lalo pang pasiglahin at pataasin ang uri ng panulaang Filipino sa pamamagitan ng pagkilala sa mga batikan at baguhang talino.

makata ng taon 2014

Kabilang ang Talaang Ginto: Makata ng Taon 2014 sa pagdiriwang ng ika-226 na anibersaryo ng kapanganakan ni Francisco “Balagtas” Baltazar. Mangunguna ang KWF sa isang lakbay-panitik (literary pilgrimage) na mangyayari sa tatlong mahahalagang lugar sa buhay ni Balagtas—Maynila, Bulacan, at Bataan. Magkakaroon ng mga pagtatanghal at parangal sa mga nasabing lugar bilang pagpupugay sa dakilang makata.

Mga Tuntunin:

1. Bukas ang timpalak sa lahat, maliban sa mga kawani ng KWF at kanilang kaanak.

2. Ang lahok ay kailangang orihinal at nasusulat sa Filipino, hindi salin mula sa ibang wika at hindi pa nalalathala sa alinmang publikasyon. Hindi patatawarin ang sino mang nahuli at napatunayang nagkasala ng pangongopya. Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok nito sa timpalak at hindi na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF.

3. Ang paksa para sa Makata ng Taon 2014 ay tungkol sa kabayanihan. Tatalakayin ng tulang ipapasa ang isang malaki at makabagong problema at kung paano kikilos ang isang makabagong bayani upang lutasin ito. Ilalahok ang mga tulang may sukat at tugma na nasa antas tudlikan pataas. Ang mga taludtod ng tulang ilalahok ay hindi bababa sa apatnapung (40) taludtod, at lalagpas sa walumpung (80) taludtod.

Ang lahok ay kailangang may apat (4) na kopyang makinilyado o kompiyuterisado (Font 12 – Arial). Doble espasyo sa 8 ½ “ x 11” na bond paper na may palugit na isang (1) pulgada sa itaas at ibaba at sa magkabilang tabi. Kinakailangan din na nakanotaryo ang ilalahok na gawa bilang katunayan na orihinal ito.

5. Isa (1) lamang tula ang maaaring isumite at hindi dapat ito magtaglay ng sagisag-panulat ng may-akda. May hiwalay na pormularyo sa paglahok na mada-download sa www.kwf.gov.ph o Talaang Ginto pormularyo. Ilakip ang pormularyo kasama ng lahok at electronic file. Lakipan ng larawan ang pormularyo sa paglahok. Hindi tatanggapin ang lahok na ipadadala sa pamamagitan ng email.

6. Ang mga gantimpala ay ang sumusunod: una, P20,000.00 at karangalang maging “Makata ng Taon 2014”; pangalawa, P15,000.00; pangatlo, P10,000.00 at tropeo bawat isa; at, P5,000.00 at plake para sa magwawagi ng tatlong karangalang-banggit. Lahat ng lalahok ay tatanggap ng Katunayan ng Paglahok.

Ang lahok ay maaaring dalhin nang personal o ipadala sa koreo sa:

Lupon sa Tula 2014
Komisyon sa Wikang Filipino
2/F Watson Bldg., 1610 J.P. Laurel St.
San Miguel, Manila

8. Ang huling araw ng pagsusumite ng lahok ay sa Pebrero 28, 2014. Hanggang 5 n.h ang oras ng pagpapasa. Hindi na mauurong ang araw ng pagsusumite. Ang mga lahok na ipinadala sa pamamagitan ng koreo ay kailangang matanggap ng KWF nang hindi lalampas sa petsang nabanggit.

9. Ang pasiya ng inampalan ay pinal at hindi na mababago. Lahat ng lahok, nanalo man o natalo, ay hindi na ibabalik sa mga kalahok at angkin ng KWF ang karapatang mailathala ang mga nagwaging lahok nang walang royalti sa mga makata.

10. Para sa karagdagang detalye tumawag sa telepono blg. (632) 736-2519

Press release from Komisyon sa Wikang Filipino

2 thoughts on “Talaang Ginto: Makata ng Taon 2014, tumatanggap na ng mga lahok

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s