Samahan ang mga makata ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) at mga kaibigan sa sining sa unang LIRAHAN ngayong 2014!
Magkita-kita tayo sa ika-21 ng Enero, 2014, Martes, 7-9 ng gabi, sa Conspiracy Bar, Visayas Avenue, Lungsod Quezon para sa isa na namang gabi ng tula at musika, isang pagsibol ng mga bagong salita.
Ang LIRAHAN ay libre at bukas sa publiko.
MGA MAGBABASA:
Phillip Yerro Kimpo
Aldrin Pentero
Noel Clemente
Alyssa Manalo
JP Anthony D. Cuñada
Paul Castillo
Karl Orit
Makinig sa Balagtasan nina Roy Cagalingan, Ralph Lorenz Fonte, at Dakila Cutab.
Ang LIRAhan ay programa ng LIRA tuwing ikatlong Martes ng bawat buwan. Kahit nakatuon ang pansin sa mga tula at akdang naisulat sa Filipino, ito ay bukas sa mga magbabasa sa Ingles at iba pang wika.
Ang LIRA ay isang samahan ng mga makatang nagsusulat sa Filipino. Itinatag noong 1985 ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Virgilio S. Almario (aka Rio Alma), nagsilbi itong matagumpay na linangan ng di iilang batikang makata, tulad nina Victor Emmanuel Carmelo Nadera, Romulo Baquiran Jr., Michael M. Coroza, Roberto Añonuevo, Rebecca Añonuevo, Jerry Gracio, at Edgar Calabia Samar. Noong 2011, kinilala ito bilang isa sa Ten Accomplished Youth Organizations (TAYO) para sa mga gawain ng paglilingkod sa ngalan ng tula ng mga makatang-boluntaryo nito.
Bisitahin ang LIRA sa Facebook (/palihangLIRA) at Twitter (@makatangLIRA) para sa iba pang detalye. Ang mga nais magbasa/magtanghal ay hinihikayat na mag-iwan ng mensahe sa Facebook/Twitter/Event Page.
https://www.facebook.com/PalihangLIRA
https://twitter.com/makatangLIRA
https://www.facebook.com/events/236181839887849/