News

‘Hamlet ng San Diego,’ itatanghal ng Teatro Baguntao

Ngayong Pebrero, itatanghal ng Teatro Baguntao ang Hamlet ng San Diego para sa pagtatapos ng kanilang ika-15 tagdulang pinamagatang Pagbabalatkayo. Ang Hamlet ng San Diego ay hango sa saling-Filipino ng Pambansang Alagad ng Sining Rolando S. Tinio ng The Tragedy of Hamlet, Prince of Denmark ni William Shakespeare. Ang dulang ito ay produkto ng pinaghalu-halong mala-Shakespeare na teatro, at kultura at panitikang Filipino.

hamlet_teatro baguntao

Mayroong kasaysayan ang Teatro Baguntao sa pagtatanghal ng mga dula ni William Shakespeare. Noong 1998, ang taon ng pagkakabuo ng Teatro Baguntao, itinanghal nito ang Julio Caesar. Mula noon, naging regular na ang pagtatanghal ng Teatro Baguntao ng mga dula ni William Shakespeare, kabilang ang Pangarap sa Gabi ng Gitnang Tag-Araw (1999, 2006), Makbet (2008), Ang Komedya ng Napagkamalan (2009), Prospero (2010), at ang Negosyante ng Venecia (2010).

Ang Hamlet ng San Diego ay tungkol sa paghihiganti ng prinsipeng si Hamlet sa pagkapatay ng kanyang ama sa kamay ng kasalukuyang haring kaniyang tiyuhin. Sa produksiyong ito, bibigyang-pansin ang pagkakahawig ng Hamlet sa Noli Me Tangere ni Jose Rizal.

Ang Hamlet ng San Diego ay sa disenyo ng musika ni Reamur David, disenyo ng set nina Charles Yee, Gerald P. Manuel, at Robbie Sto. Domingo, disenyo ng kasuotan ni Sharen Arriola, at pangkalahatang direksyon ni Ronan B. Capinding.

PLAY DATES:
Pebrero 5, 11, 12, 13 – 4 n.h.
Pebrero 8 – 9 n.u., 2 n.h., 6 n.g.

VENUE:
Bulwagang Hayes, Mataas na Paaralang Ateneo de Manila

TICKET PRICE: Php 150

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kina Stef Aranas | 09178693402, Matt Banting | 09186251528, teatrobaguntao@yahoo.com

Ang Teatro Baguntao ay isang organisasyong panteatro mula sa Mataas na Paaralang Ateneo de Manila, na binubuo ng mga estudyanteng naglalayong makapagtaguyod ng wikang Filipino at makapagdulot ng panlipunang kamulatan sa pamamagitan ng pagtatanghal ng iba’t ibang dula.

Press release from Teatro Baguntao.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s