News

Damas de Noche, isang musikal mula sa UP Rep

Inihahandog ng UP Repertory Company para sa Buwan ng Kababaihan ang Damas de Noche, isang musikal sa panulat ni Joi Barrios at liriko ni Joey Baquiran.

damas de noche

Tungkol sa apat na kababaihang nakatihaya sa banig ng pagtangis at pangungulila, sa gitna ng mga siglo ng pananakop sa bansa. Ang kwento nila ay sumasalamin sa kwento ng buhay ng ating inang-bayang Pilipinas – kung paano ito nagahasa ng mga mananakop at mga dayuhan.

Ang dula ay tumatalakay sa kalagayan ng mga kababaihan sa isang lipunang tinatakal ang kanyang halaga sa pamamagitan ng kanyang katawan at kung paano rin lalaya sa tanikalang ito.

Sa muling pagsasaliw ng mga awitin at sayaw sa mga kwento ng iba’t ibang kalagayan ng kababaihan sa panahon ng pagpapalit ng mga siglo, muling sinasalamin ng Damas de Noche ang nananatiling karahasan at opresyon sa mga kababaihan maski sa kasalukuyang panahon. Ito ay isang dula ng paglaban sa opresyong ito, isang musikal na produksyong sumasalamin sa kasiyahan at kalungkutan ng pagiging Filipina sa panahon ng mga Kastila’t mga Amerikano.

Ang Damas de Noche ay sa direksiyon ni Bryle Leano at sa direksiyon ng musika ni Gian Odeste. Tampok dito ang musika ng UP Underground Music Community, koreograpiya ni Jomelle Era, disenyo ng set at kasuotan ni Cydee Ramones, at disenyo ng ilaw ni Ian Bautista.

PLAY DATES:
Marso 1, 8 (3 n.h. at 7 n.g.)
Marso 7, 10 (7 n.g.)

VENUE:
Aldaba Recital Hall, UP Diliman

TICKET PRICE: Php 200

Para bumili ng ticket, mag-log on sa http://bit.ly/DamasDeNocheTix. Bisitahin din ang Damas de Noche sa Facebook.

The UP Repertory Company is a non-stock, non-profit student organization that continually aims to raise the social consciousness of the Filipino audience through theater. It was established by director Behn Cervantes in 1972 as an answer to the University’s need for a responsible performing group. In response to the worsening social conditions prevalent in those days, the company established a tradition of plays that mirrors the lives of Filipinos.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s