News

LIRAHAN para sa Buwan ng Kababaihan sa Marso 18

031814

Inihahandog ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) para sa Buwan ng Kababaihan ang “LIRAHAN: Kaka-EBA.” Samahan ang mga makata ng LIRA at mga kaibigan sa sining sa isa na namang gabi ng tula at musika sa Marso 18, 2014 (Martes), 7-9 ng gabi, Conspiracy Bar, Visayas Avenue, Lungsod Quezon.

Ang “LIRAHAN: Kaka-EBA” ay ang panlimang bahagi ng taunang selebrasyon ng LIRA para sa Pandaigdigang Selebrasyon ng Araw ng Kababaihan tuwing ika-8 ng Marso. Dati nang itinampok sa Marsong LIRAHAN ang “Kaka-EBA” (2010, 2013), ang “Bago ang Babae” (2011), at ”EBAng Klaseng LIRAhan” (2012).

Magkakaroon ng SLAM POETRY para sa kahit sinong nais magtanghal ng mga orihinal na tulang tumatalakay sa mga isyung pangkasarian (women empowerment at/o gender equality). Ito ay bukas sa mga akdang nakasulat sa Filipino at Ingles. Mag-iwan ng mensahe sa Facebook/Twitter/event page/email ng LIRA ang mga gustong sumali.

Maaari ring magbahagi at magbasa ng iba pang tula na angkop sa tema para sa OPEN MIC. May natatanging pagtatanghal mula sa bandang Matilda.

RSVP: https://www.facebook.com/events/757663280912960/

——————————————————-

Nagsimula noong 2008, ang LIRAHAN ay pagbabasa at pagtatanghal ng mga tula, musika, at iba pang sining tuwing ikatlong Martes ng buwan. Ito ay laging libre at bukas sa publiko.

Ang LIRA ay isang samahan ng mga makatang nagsusulat sa Filipino. Itinatag noong 1985 ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Virgilio S. Almario (aka Rio Alma), nagsilbi itong matagumpay na linangan ng di iilang batikang makata, tulad nina Victor Emmanuel Carmelo Nadera, Romulo Baquiran Jr., Michael M. Coroza, Roberto Añonuevo, Rebecca Añonuevo, Jerry Gracio, at Edgar Calabia Samar. Noong 2011, kinilala ito bilang isa sa Ten Accomplished Youth Organizations (TAYO) para sa mga gawain ng paglilingkod sa ngalan ng tula ng mga makatang-boluntaryo nito. Si Phillip Kimpo Jr. ang kasalukuyang presidente ng LIRA.

https://www.facebook.com/PalihangLIRA
https://twitter.com/makatangLIRA
palihanglira@gmail.com

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s