News

TextSakto: Mga Teknik sa Pagsulat ng Panitikang Popular sa Marso 9

textsakto

Inihahandog ng Balangay Productions at mga kaibigan nina Rachelle Joy Rodriguez at Jun De Leon* ang TextSakto: Mga Teknik sa Pagsulat ng Panitikang Popular sa Marso 9, 2014 sa Engineering Theater, Unibersidad ng Pilipinas-Diliman.

Magkakaroon ng dalawang sesyon: 7:30 n.u.-12:00 n.h. at 12:30-5:00 n.h. Tampok ang mga manunulat at guro na sina Bebang Siy (akdang pambata), Joselito Delos Reyes (humor writing), Chuckberry Pascual (dula) at Eros Atalia (nobela).

Ang halaga ng rehistrasyon ay Php 5000 bilang bayad sa partisipasyon, sertipiko, seminar kit, at merienda. Maaari ring magpatala hanggang Marso 3, 2014 para makakuha ng diskwento: 5% para sa indibidwal at 10% para sa 10 kalahok. Maaaring magpareserba ng slot hanggang Marso 5, 2014.

Maaaring magdeposito ng bayad sa rehistrasyon sa account ni Wennielyn Fajilan (BPI España: 0159 0343 48). Ipadala ang kopya ng deposit slip na may nakasulat na pangalan, paaralan/institusyon, contact number, at napiling sesyon (1 o 2) sa rehistrasyon2014@gmail.com. Makipag-ugnayan sa 0922-8026149/0926-6204489 para sa anumang katanungan.

*Si Bb. Rodriguez, 30 taon, ay estudyante ng MA Araling Pilipino sa UP Diliman. Nagtuturo siya sa Pamantasang De La Salle-Antipolo. Noong Enero 4, 2014, nalaman niyang mayroon siyang Stage 2 Breast Cancer. Samantala, si G. De Leon, 48 taon, ay may Stage 1 Non-Hodgkin’s Lymphoma mula noong Agosto 2013. Isa siyang kawani ng Munisipyo ng Marikina. Kapwa sila natigil sa pagtatrabaho at nangangailangan ng malaking halaga upang ipagpatuloy ang laban sa kanser.

EVENT PAGE:
https://www.facebook.com/events/1454477781433637/

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s