News

Tulaan sa Facebook 2014: Mga Nagwagi para sa Pebrero

banner5

Ikinagagalak ibalita ng mga tagapangasiwa ng “Tulaan sa Facebook,” isang proyekto ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA), ang mga nagwagi para sa unang buwan ng paligsahan. Makakakuha sila ng libro galing sa University of Santo Tomas Publishing House at Ateneo de Manila University Press at ipadadala ang mga premyo sa mga nagwagi sa tulong ng JP Anthony D. Cuñada Law Office.

Apat, sa halip na lima, ang napili ng hurado para sa buwan ng Pebrero. Ipinaaalala ang rekisitong tema, tugma, at sukat.

Sukbit
Bitbit ka sa panganib
Na sukbit ay pag-ibig
Sa bayang may ligalig.
-Danilo C. Diaz

Apolinarium # 3
Sa panahon ng lubak
nagpumilit lumakad
Utak ang ‘pinantapak
-Arjay Viray

Armas
Isip niya’y lumakbay,
Paa ma’y di mabaybay.
Pluma ang kaagapay.
-Eunice Garin Pacifico

Ambag ni Mabini sa Bayan Kong Sawi
Dekalogong Mabini
Gabay ng gulong lahi
Sa de-kulugong gawi!
-Joel Costa Malabanan

Mga Premyong Libro para sa Pebrero

Mga Premyong Libro para sa Pebrero

Ang namili ng mga diyona para sa buwan ng Pebrero ay si Enrique S. Villasis. Siya ay nagwagi na sa iba’t ibang pambansang timpalak katulad ng Maningning Miclat Poetry Award noong 2011 at Carlos Palanca Memorial Awards for Literature noong 2006, 2011, 2012, at 2013. Kasalukuyan siyang manunulat para sa ABS-CBN.

Ang Tulaan sa Facebook ay bahagi ng pagdiriwang ng taong sesquicentennial ng kapanganakan ni Apolinario Mabini. Ito ay sa pakikipagtulungan ng Ayala Foundation, Inc., Filipinas Heritage Library, Ayala Museum, JP Anthony D. Cuñada Law Office, University of Santo Tomas Publishing House, at Ateneo de Manila University Press.

TUNTUNIN AT MGA PREMYO: http://wp.me/p326Rc-UM

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s