News

LIRAHAN: Ínit ng Gíting sa Abril 15

Samahan ang mga makata ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) at mga kaibigan sa sining sa isa na namang gabi ng tula at musika sa ika-15 ng Abril, 2014, Martes, 7 – 9 pm, sa Conspiracy Bar, Visayas Avenue, Lungsod Quezon.

Ngayong buwan ng tag-init, ipagdiriwang natin ang ika-226 anibersaryo ng kapanganakan ni Francisco Balagtas (2 Abril 1788 – 20 Pebrero 1862) at ika-72 taon ng pagkilala sa mga bayani ng Bataan (Araw ng Kagitingan: Abril 9).

[Larawan mula sa /hifipanda.com/]

[Larawan mula sa /hifipanda.com/]

Kahit nakatuon ang pansin sa mga tula at akdang naisulat sa Filipino, ito ay bukas sa mga magbabasa sa Ingles at iba pang wika. Mag-iwan lang ng mensahe sa Event Page/Facebook/Twitter/E-mail and mga nais magbasa o magtanghal.
     https://www.facebook.com/events/312295688921861/
     https://www.facebook.com/PalihangLIRA
     https://twitter.com/makatangLIRA
     palihanglira@gmail.com

Nagsimula noong 2008, ang LIRAhan ay programa ng LIRA na ginaganap tuwing ikatlong Martes ng bawat buwan. Ito ay laging libre at bukas sa publiko.

Ang LIRA ay isang samahan ng mga makatang nagsusulat sa Filipino. Itinatag noong 1985 ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Virgilio S. Almario (aka Rio Alma), nagsilbi itong matagumpay na linangan ng di iilang batikang makata, tulad nina Victor Emmanuel Carmelo Nadera, Romulo Baquiran Jr., Michael M. Coroza, Roberto Añonuevo, Rebecca Añonuevo, Jerry Gracio, at Edgar Calabia Samar. Noong 2011, kinilala ito bilang isa sa Ten Accomplished Youth Organizations (TAYO) para sa mga gawain ng paglilingkod sa ngalan ng tula ng mga makatang-boluntaryo nito. Si Phillip Kimpo Jr. ang kasalukuyang presidente ng LIRA.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s