News

Tulaan sa Facebook 2014: Mga Nagwagi para sa Marso

banner5

Ikinagagalak ibalita ng mga tagapangasiwa ng “Tulaan sa Facebook,” isang proyekto ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA), ang mga nagwagi para sa pangalawang buwan ng paligsahan. Makakakuha sila ng libro galing sa University of Santo Tomas Publishing House at Ateneo de Manila University Press at ipadadala ang mga premyo sa mga nagwagi sa tulong ng JP Anthony D. Cuñada Law Office.

Ang mga mananalo sa bawat buwan ay may pagkakataong makatanggap ng mga papremyo sa huling bahagi ng timpalak: Php 4,000 (Unang Gantimpala), Php 3,000 (Ikalawang Gantimpala), at Php 2,000 (Ikatlong Gantimpala) mula sa Ayala Foundation, Inc. at JP Anthony D. Cuñada Law Office, at one-year membership sa Filipinas Heritage Library at Ayala Museum.

May 464 na lahok para sa buwan ng Marso.

Utak ang Armas
Sangkatutak na tabak
Tinapatan ng utak
Hinasa’t pinansaksak.
-Arthur P. Casanova

Dakilang Paralympian
Sino maysabing lumpo?
Isipan ang pangtakbo
Panglukso ay sintido.
-German V. Gervacio

Pakay ni Mabini
Pluma ang kanyang saklay
Panupil sa kaaway
Pantanggol sa kahanay.
-Bryan Pe Benito Reyes

Tapang ni Mabini
Kung matatapang kayo,
magtuos tayo rito–
hindi ako tatakbo!
-Edelio De los Santos

Enigma si Mabini
Kung sa bayang peligro,
Kanang Kamay pa’y Lumpo,
Ang lumpo nga ba’y ako?
-Jay Parfan

Mga Premyong Libro para sa Marso

Mga Premyong Libro para sa Marso

Ang namili ng limang diyona para sa buwan ng Marso ay si Phillip Yerro Kimpo, ang pangulo ng LIRA. Nagkamit na siya ng mga pambansang parangal at fellowship para sa kaniyang tula sa Filipino at prosa sa Ingles. Ilang beses na rin siyang pinarangalan ng pamahalaan ng Filipinas para sa kaniyang pagiging lider-kabataan. Kasalukuyan siyang punong patnugot ng ABS-CBN Choose Philippines.

Ang Tulaan sa Facebook ay bahagi ng pagdiriwang ng taong sesquicentennial ng kapanganakan ni Apolinario Mabini. Ito ay sa pakikipagtulungan ng Ayala Foundation, Inc., Filipinas Heritage Library, Ayala Museum, JP Anthony D. Cuñada Law Office, University of Santo Tomas Publishing House, at Ateneo de Manila University Press.

TUNTUNIN AT MGA PREMYO: http://wp.me/p326Rc-UM
MGA NAGWAGI PARA SA PEBRERO (262 lahok): http://wp.me/p326Rc-Y3

One thought on “Tulaan sa Facebook 2014: Mga Nagwagi para sa Marso

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s