Books / News

LIRAHAN: ‘Sino si Janus Sílang?’ sa Mayo 20

052014

Inaanyayahan ang lahat sa pagpapakilala sa bagong nobelang young adult ni Edgar Calabia Samar, ang SI JANUS SÍLANG AT ANG TIYANAK NG TABON (Adarna House, Inc., 2014). Samahan ang mga makata ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) at mga kaibigan sa sining sa isa na namang gabi ng tula at musika sa Mayo 20, 2014 (Martes), 7-9 ng gabi, Conspiracy Bar, Visayas Avenue, Lungsod Quezon.

EVENT PAGE: https://www.facebook.com/events/1442635822649222/

Disenyo ng pabalat: Borg Sinaban

Disenyo ng pabalat: Borg Sinaban

Makipag-ugnayan lang sa LIRA ang mga nais magbasa ng sipi mula sa nobela o ng iba pang tula at akda. Kahit nakatuon ang pansin sa mga piyesang naisulat sa Filipino, ito ay bukas sa mga magbabasa sa Ingles at iba pang wika. Mag-iwan lang ng mensahe sa Event Page, Facebook, Twitter, o e-mail [palihanglira@gmail.com] and mga nais magbasa o magtanghal.

TUNGKOL SA AKDA
Sa tournament ng TALA Online sa bayan ng Balanga, namatay ang lahat ng manlalaro maliban kay Janus. Sunod-sunod pa ang naging kaso ng pagkamatay ng mga kabataan sa computer shops sai ba’t ibang panig ng bansa. Kinontak si Janus ng nagpakilalang Joey, isa rin umano sa mga nakaligtas sa paglalaro ng TALA na gaya niya. Hindi inasahan ni Janus ang mga matutuklasan niya mula rito na mag-uugnay sa kanya sa misteryo ng kinahuhumalingan niyang RPG—at sa alamat ng Tiyanak mula sa Tábon!

janus silang_egay

TUNGKOL SA MAY-AKDA
Si Edgar Calabia Samar ay ipinanganak sa Lungsod San Pablo at nakapagsulat na ng dalawang nobela, ang Walong Diwata ng Pagkahulog (2009) at Sa Kasunod ng 909 (2012). Itong Janus Sílang series ang una niyang kathang YA. Nagtuturo siya ngayon ng Panitikan at Malikhaing Pagsulat sa Ateneo de Manila University. Mahigit sampung taon na ang nakararaan nang una siyang makakilala ng isang Púsong.

Para sa iba pang impormasyon at balita, bisitahin ang Janus Sílang Series sa Facebook.

TUNGKOL SA LIRA AT LIRAHAN
Nagsimula noong 2008, ang LIRAhan ay programa ng LIRA na ginaganap tuwing ikatlong Martes ng bawat buwan. Ito ay laging libre at bukas sa publiko.

Ang LIRA ay isang samahan ng mga makatang nagsusulat sa Filipino. Itinatag noong 1985 ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Virgilio S. Almario (aka Rio Alma), nagsilbi itong matagumpay na linangan ng di iilang batikang makata, tulad nina Victor Emmanuel Carmelo Nadera, Romulo Baquiran Jr., Michael M. Coroza, Roberto Añonuevo, Rebecca Añonuevo, Jerry Gracio, at Edgar Calabia Samar. Noong 2011, kinilala ito bilang isa sa Ten Accomplished Youth Organizations (TAYO) para sa mga gawain ng paglilingkod sa ngalan ng tula ng mga makatang-boluntaryo nito. Si Phillip Kimpo Jr. ang kasalukuyang presidente ng LIRA. Bisitahin ang LIRA sa Facebook (/palihangLIRA) at Twitter (@makatangLIRA) para sa iba pang detalye.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s