News

2 libreng seminar pangwika, idadaos ng KWF

Inaanyayahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang mga guro, estudyante, mananaliksik pangwika at pangkultura, at sinumang may interes sa wika at kultura na dumalo sa dalawang libreng seminar ng tanggapan sa Mayo.

Sa 12-15 Mayo, magaganap ang seminar tungkol sa Dokumentasyon at Deskripsiyong Pangwika (Language Documentation and Description) na pangungunahan ng lingguwista at full-time na komisyoner Purificacion G. Delima.

Isang buong linggong seminar tungkol sa Batayang Kasanayan sa Pagsulat ang gaganapin sa 19-23 Mayo na pangungunahan ni Direktor Heneral Roberto T. Añonuevo.

Kapuwa gaganapin sa Silid ICAM ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA) ang dalawang seminar. Tingnan ang retratong kasama ng anunsiyong ito para sa kompletong programa.

Limitado ang imbitado. Libre ang mga handout at kit ngunit hindi sasagutin ng KWF ang pagkain. Hinihikayat din ng KWF ang mga kalahok na magdala ng kanilang mga sangguniang materyales upang makatulong sa workshop at pagsulat. Kung interesadong dumalo, magpatala sa pamamagitan ng email (komfil.gov@gmail.com) o tumawag sa 736-2519 at hanapin si Bb. Maria Christina Pangan.

Press release from KWF.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s