News

Tulaan sa Facebook 2014: Mga Nagwagi para sa Abril

banner5

Ikinagagalak ibalita ng mga tagapangasiwa ng “Tulaan sa Facebook,” isang proyekto ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA), ang mga nagwagi para sa ikatlong buwan ng paligsahan. Makakakuha sila ng libro galing sa University of Santo Tomas Publishing House at Ateneo de Manila University Press at ipadadala ang mga premyo sa mga nagwagi sa tulong ng JP Anthony D. Cuñada Law Office.

Ang mga mananalo sa bawat buwan ay may pagkakataong makatanggap ng mga papremyo sa huling bahagi ng timpalak: Php 4,000 (Unang Gantimpala), Php 3,000 (Ikalawang Gantimpala), at Php 2,000 (Ikatlong Gantimpala) mula sa Ayala Foundation, Inc. at JP Anthony D. Cuñada Law Office, at one-year membership sa Filipinas Heritage Library at Ayala Museum.

May 669 na lahok para sa buwan ng Abril.

Inspirasyon
Malumpo man ang bansa
kung may Apong dakila
lalakad ang paglaya
-Vlac Raio

Banghay
Simula: May panganib.
Sukdulan: MAY NAG-ISIP.
Wakas: May napaisip.
-Graciella Musa

Pasan
Pinasan ka ng madla
Na buhay ang ‘tinaya
Sa talim ng ‘yong dila.
-Eugene Soyosa

Tanong at Sagot
“Bakit may rebolusyon?”
Si Mabini’y tumugon:
“Dahil napapanahon.”
-Louise Vincent B. Amante

Mabini sa kabila ng Buklod
Sa ‘yong pakikihamok
sa mga mananakop,
nalimot yaring gapos.
-Salbag Baklis

Ang namili ng limang diyona para sa buwan ng Abril ay si Dr. Edgar Calabia Samar. Siya ang may-akda ng bagong nobelang young adult na pinamagatang “Si Janus Silang at a Tiyanak ng Tábon.” Mabibili na ito sa National Bookstore, Fully Booked, at Powerbooks. Mula sa INQUIRER.NET: “Si Janus Silang at ang Tiyanak ng Tábon” is just the first of a trilogy built around a young Filipino hero with that most modern of interests—online role-playing games (RPGs).

Mga Premyong Libro para sa Abril

Mga Premyong Libro para sa Abril

Si Samar ay nakatanggap na ng mga pagkilala sa iba’t ibang pambansang timpalak tulad ng Don Carlos Palanca Awards for Literature, PBBY-Salanga Writer’s Prize, NCCA Writer’s Prize for the Novel, Gantimpalang Collantes sa Sanaysay, at Gawad Surian sa Tula. Naging fellow siya sa International Writing Program ng University of Iowa noong 2010. Ang kanyang mga kathang “Sa Kasunod ng 909″ (UST Publishing House, 2012) at “Halos Isang Buhay: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela” (UST Publishing House, 2012) ay kinilala sa National Book Awards noong 2013.

Ang Tulaan sa Facebook ay bahagi ng pagdiriwang ng taong sesquicentennial ng kapanganakan ni Apolinario Mabini. Ito ay sa pakikipagtulungan ng Ayala Foundation, Inc., Filipinas Heritage Library, Ayala Museum, JP Anthony D. Cuñada Law Office, University of Santo Tomas Publishing House, at Ateneo de Manila University Press.

TUNTUNIN AT MGA PREMYO: http://wp.me/p326Rc-UM
MGA NAGWAGI PARA SA PEBRERO (262 lahok): http://wp.me/p326Rc-Y3
MGA NAGWAGI PARA SA MARSO (464 lahok): http://wp.me/p326Rc-ZI

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s