Books / Review

Review: Ang Pagsulat…Bayi (Writing is…Woman)

ni Noel Galon de Leon

Ang Pagsulat…Bayi ay maituturing na panandang-bato sa panitikang Kinaray-a ng feministang manunulat na si Maria Milagros Geremia-Lachica. Binubuo ng 63 na mga binalaybay sa Kinaray-a na may sariling salin mismo ng makata sa wikang Ingles. Ginbalhag ng San Agustin Publishing House taong 2006 mula sa writing at book grant ng University of San Agustin Fray Luis de Leon Creative Writing Institute. Ang koleksiyon ay nahahati sa apat na parte: Sa Mga Kaimaw sa Turugban, Lupa kag Binalaybay sa Pinggan, Ang Pagsulat, at Pagsaka sa Ulo ni Lady Liberty.

LINK: Panayam kay Maria Milagros Geremia-Lachica

"ang pagsulat...bayi" (writing is...woman) ni Maria Milagros Geremia-Lachica

“ang pagsulat…bayi”
(writing is…woman)
ni Maria Milagros Geremia-Lachica

Ayon kay “Nenen,” mas kilalang tawag sa kaniya ng mga kabigan, ang koleksyong ito diumano ang una at kaisa-isang koleksiyon ng pinagtagpi-tagping mga luma at bago niyang binalaybay bago siya umalis ng Panay upang manirahan sa Amerika. Nasa ikaapat na taon sa kolehiyo noon si Nenen nang magsimula siyang sumubok magsulat ng binalaybay, impluwensiya ng dating guro na si Dr. Dionisa A. Rola na nagpaalala sa kaniya ng kahalagahan ng pagtipon at pag-aaral ng oral literature at folklore ng sariling bayan, mula roon ay isinapuso nito at ginawang inspirasyon ang mga kuwentong bayan upang makasulat ng binalaybay na nasa kamalayan ng isang manunulat na Kinaray-a, sinalamin ito ng mga binalaybay niya tulad ng Istorya ni Juan Pusong, Tulalay ka Mananggiti, Sugid sa Tubaan, Busalian, Istorya ka Samlagi, at Dandansoy. Narito ang isa sa pinakasikat na tula ni Nenen mula sa koleksiyon, ang Dandansoy:

Ako si Dandansoy
nagatulod kang bato
uranan, initan
pobre lawas ko
rugto kuno sa Poro
nagadagsa ang isda
gani ako si Dandansoy
nagbiya sa bato
sa tubig nagpasimpalad

Ugaring
pag-abot ko sa Poro
kaisdaan nasigput run
kang mga basnig kag trol
kang pangayaw nga Hapon

Gani ako
si Dandansoy
nagtulog liwan kang bato
uranan, initan
antuson ko gid lang.

Nadagdagan pa ang kaalaman ni Nenen tungkol sa kultura at pamumuhay ng mga katulad niyang naninirahan sa Panay nang magsimula siyang magtrabaho sa Center for West Visayan Studies, doon ay nagkaroon siya ng higit na pag-unawa tungkol sa pangangailangan na pag-usapan ang kultura ng Panay sa kaniyang mga binalaybay at iba pang isinusulat, hanggang di naglaon ay naisulat nga niya ang mga binalaybay na hindi lamang nagpakita ng pagmamahal ng isang babae o ina sa sariling pamilya, kundi nagpamalas rin ng higit na pagkilala ng isang mulat na manunulat sa kakayahan ng isang Karay-a na tipunin at imapa ang karanasan ng sariling bayan, litaw na litaw ito sa mga binalaybay niya tulad ng Ang Yuhum ka mga Ginapigus, Kahilwayan, Mga Kaimaw sa Turugban, Andut Nagbaha sa Norte, Lupa kag Baybay sa Pinggan, Duyan, Kay Lando, Sugid sa Tubaan, Pula, Ekonomiks 101, Palihog, Sulat, Gugma sa Gihapon, Dya’ng Hakus sa Airport, Mga Bata-bata nga Papel, Ang Paglutas, Sa Ana’ng Pag-uli, Sikag, at Tahu. Narito ang isa pang pinakasikat na tula ni Nenen mula sa koleksiyon, ang Lupa kag Baybay sa Pinggan:

Maarado
mamanggas
mang-abono
mangani
malinas
mapahangin
manglay-ang
mapagaling
manahup
matig-ang
para gid lang
pinggan ni Nonoy
masudlan

pero kan-un pa lang dya
wara pa maabay gani
kon paano ang pagsarok
kang baybay
agud mahimo
ang asin ngadarapli

kag sa pinggan ni Nonoy
liwan magakitaay
ang lupa kag baybay.

Dekada 80 nang magsimula ang feminismo sa kamalayan ng mga manunulat sa buong bansa, kung babalikan ang kasaysayan isa marahil si Nenen sa mga mulat na manunulat na sumabay sa pagkilala ng mga akdang feminista. Wika niya sa isang panayam, hindi niya sinadya ang maging manunulat na feminista, pero tungkol saan nga naman diumano ang isusulat niya kundi iyung mga paksa na pinakaalam niya, ang pagiging isang babae, nanay, asawa, at taong may puso at utak. Kung gayon, ang koleksiyong Ang Pagsulat…Bayi ay pagbibigay pansin sa babae, sa produkto ng kaniyang utak at hindi lamang ng kaniyang matres na siya namang inihahain ng mga binalaybay niya tulad ng Paandam, Surondon, Ang Pagsulat Bayi, Bayi sa Espiho, Senyang, Sa Mga Ulay nga Bayi sa Akun Isla, at Manunulat sa Kusina. Narito ang tula na ipinamagat ni Nenen sa una niyang libro, Ang Pagsulat…Bayi:

Ang pagsulat bayi ngahamtung
sa panghuna-huna, sa panglawasun
nagapili sang binhi nga timgas;

Ang pagsulat bayi nga nagabusong
indi mapaktan ang baratyagun
galingin ang ulo, wara’t gana magkaun;

Ang pagsulat bayi nga nagabata
tuman ang kasakit, tuman ang kakulba
tuman ang kalipay paggwa ka lapsag;

Ang pagsulat matres ka bayi
nagaluha kadugo
kon wara it mahuman.

Ilang taon din nahinto si Nenen sa pagsusulat nang manirahan siya sa Amerika, ngunit dahil na rin sa ang pagsusulat naman talaga ang pinakamamahal na niyang gawain, agad rin siyang nakabalik sa pagsusulat sa tulong ng mga kaibigan gamit ang Internet at emails. Ang mainam pa ay nagagamit niya mismo ang mga obserbasyon at sarili niyang karanasan sa lugar kung saan siya naninirahan sa ngayon. Ito marahil ang gahum ng koleksiyon, na hindi na lamang ito kalipunan ng mga napakinggan mula sa ibang tao, kundi kolektibong karanasan ito ni Nenen bilang manunulat na Karay-a na umiigpaw sa inaasahan mula sa loob at labas ng kaniyang bayan. Kaya damang-dama natin ang pagiging Filipino ng manunulat sa mga binalaybay nito kahit na ang lunsaran ng karanasan ay malayo sa kulturang nakagisnan, halimbawa sa mga binalaybay nito tulad ng Born in the U.S.A, Sushi, Ang Blues nga Istorya, Sa Kaagahun, Kabaylo kang Binalaybay, Ang Ginawali sa Atlantic City, Sa mga Mata ka Agila, Pagdumdum, Panit, Iraq, Bulawan nga Niger, Mga Bag-ong Uripun, Pagsaka sa Ulo ni Lady Liberty, at Lady Liberty.

Sa kabuuan, isinusulong ng buong koleksiyon ang pagsulat gamit ang lente at danas ng isang babae, anuman ang porma nito at sensibilidad, umaangkas man sa hinihingi ng sentro o pumupusisyon sa sariling kasiningan na di aakalain ng mga nasa itaas dahil payak ang klase at uri ng pagsisiwalat. Itinatampok hindi lamang ang awtentikong karanasan ng isang manunulat na babae na labas sa sentro, kundi pati na rin ang talinghaga ng taludtod mula sa pag-unawa ng makata na naglilingkod sa bayan, partikular na espasyo at pagkakataon. Marami nang napatunayan ang mga binalaybay ni Nenen sa koleksiyong ito, nakapagbahagi na rin ito ng sariling depinisyon ng feminista, na ayon sa kaniya:

Siya ang babaeng aakyat sa silya at magpapalit ng pundidong bombilya sa kaniyang kusina, hindi dahil sa kaya niya itong gawin ngunit dahil kailangang palitan upang hindi siya magluto sa dilim. Kung sakaling may lalaking mag-alok ng tulong, ang feminista ay hindi tatanggi. Magpapasalamat siya sabay ang isang matamis na ngiti.

LINK: Panayam kay Maria Milagros Geremia-Lachica

 

Si Noel Galon de Leon ay kasalukuyang nagtuturo ng Filipino sa UP High School sa Iloilo, UP Visayas. Dito rin niya kasalukuyang tinatapos ang kaniyang M.A sa Filipino. Tubong Guimaras, nagsusulat sa Filipino at Hiligaynon, at nakapagsalita na rin sa mga pambansang kumperensya tulad ng Pilandokan, samahan ng mga kritiko at iskolar ng panitikang pambata sa Filipinas. Maaari siyang makontak sa ngdleon@yahoo.com.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s