News

Tulaan sa Facebook 2014: Mga Nagwagi para sa Mayo

banner5

Ikinagagalak ibalita ng mga tagapangasiwa ng “Tulaan sa Facebook,” isang proyekto ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA), ang mga nagwagi para sa ikaapat na buwan ng paligsahan. Makakakuha sila ng libro galing sa University of Santo Tomas Publishing House at Ateneo de Manila University Press at ipadadala ang mga premyo sa mga nagwagi sa tulong ng JP Anthony D. Cuñada Law Office.

Ang mga mananalo sa bawat buwan ay may pagkakataong makatanggap ng mga papremyo sa huling bahagi ng timpalak: Php 4,000 (Unang Gantimpala), Php 3,000 (Ikalawang Gantimpala), at Php 2,000 (Ikatlong Gantimpala) mula sa Ayala Foundation, Inc. at JP Anthony D. Cuñada Law Office, at one-year membership sa Filipinas Heritage Library at Ayala Museum.

May 273 na lahok para sa buwan ng Mayo.

Tanong ng Kalaban
S’ya ba’y paralitiko?
Ba’t hagibis ang takbo?
Ni hindi maipangko!
-Mam Weh

Talambuhay ni Apo
Sa diwang mapangyurak
Ang paang walang yapak
Sagip-sagip ng utak.
-Otsenre Ogaitnas

Mabini
Lumpo ang s’yang umakay
Sa bayan kong napilay
adhikain ang saklay.
-Jeffrey Gapatan

Duyan
Pabigat man sa duyan
Ngunit hindi sa bayan
Ugoy mo’y kamalayan.
-Geena Lynne Vertido

Mga Premyong Libro para sa Mayo

Mga Premyong Libro para sa Mayo

Ang namili ng apat na diyona para sa buwan ng Mayo ay si Charles Bonoan Tuvilla, kasapi ng LIRA. Naging fellow siya ng IYAS writing workshop noong 2008 at nagkamit ng mga parangal mula sa Don Carlos Palanca at Maningning Miclat foundations.

Ang Tulaan sa Facebook ay bahagi ng pagdiriwang ng taong sesquicentennial ng kapanganakan ni Apolinario Mabini. Ito ay sa pakikipagtulungan ng Ayala Foundation, Inc., Filipinas Heritage Library, Ayala Museum, JP Anthony D. Cuñada Law Office, University of Santo Tomas Publishing House, at Ateneo de Manila University Press.

TUNTUNIN AT MGA PREMYO: http://wp.me/p326Rc-UM
MGA NAGWAGI PARA SA PEBRERO (262 lahok): http://wp.me/p326Rc-Y3
MGA NAGWAGI PARA SA MARSO (464 lahok): http://wp.me/p326Rc-ZI
MGA NAGWAGI PARA SA APRIL (669 lahok): http://wp.me/p326Rc-119

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s