Interview

Interview: Jason Gabriel Sto. Domingo

ni Michael Jude Tumamac

Upang tapusin ang pakiisa ng Kalatas sa pagdiriwang ng National Children’s Book Day, na ginanap noong Hulyo 22, 2014 sa Museo Pambata, narito ang panayam kay Jason Gabriel Sto. Domingo, na pinarangalan ng PBBY-Alcala Honorable Mention para sa kaniyang ilustrasyon ng kuwentong “Gaano Kalayo Patungong Paaralan?” ni Genaro Gojo Cruz.

jason sto domingoSi Sto. Domingo ay isang freelance illustrator na siyang gumuhit ng aklat pambata na Mantsa na isinulat ni Augie Rivera at inilimbag ng Adarna House noong 2013. Miyembro si Jason ng Ang Ilustrador ng Kabataan (Ang I.n.K.), ang samahan ng mga ilustrador para sa mga bata. Makikita ang ilan sa kaniyang mga gawa sa http://tiwali.carbonmade.com/.

Kalatas: Bakit ninyo napiling gawan ng ilustrasyon ang kuwentong “Gaano Kalayo Patungong Paaralan?” ni Genaro Gojo Cruz?

Sto. Domingo: Bilang ilustrador, isa sa isinasaalang-alang ko ay kung gaano ko malalaro visually ang isang kuwento. Sa ganoong paraan ko ibinatay ang aking pagpili sa “Gaano Kalayo Patungong Paaralan?” ni Genaro Gojo Cruz. Tinimbang ko rin kung aling kuwento ‘yong may pinakapumukaw sa aking damdamin at imahinasyon.

Kalatas: Maaari ninyo bang isalaysay ang proseso ng paglikha sa mga isinali ninyong ilustrasyon?

Sto. Domingo: Ang una kong ginawa ay binasa ko nang ilang ulit ang napili kong kuwento. Sunod ay hinimay ko ‘yong mga talata at saka ako pumili ng paborito o nagustuhan ko. Tapos natutulog muna ko para mapanaginipan kung ano ‘yong iguguhit ko sa papel. Hindi, biro lang! Gagawa muna ako ng thumbnail bago ako umusad sa pagpinta ng aktuwal na ilustrasyon.

Kalatas: Anong mga aklat at sinong mga ilustrador ang nagkaroon ng impluwensiya sa inyong pagguhit?

Sto. Domingo: Mahilig ako sa comics at illustrated na mga libro. Karamihan dito ay nagiging paborito ko dahil sa ilustrasyon. Sa foreign illustrators, siguro si Shaun Tan, James Jean, at maraming pang iba. Sa lokal, karamihan ay na sa grupo ng Ang Ilustrador ng Kabataan (Ang INK). Sa katunayan, patuloy na nadaragdagan ‘yong listahan ko ng mga paborito kong illustrators.

Kalatas: Paano ninyo ipinagdiriwang ang National Children’s Book Month?

Sto. Domingo: Kasama ang aking mga kaibigan, pumupunta kami kami sa mga lugar na maraming libro. Doon tumitingin kami ng mga bagong labas at pati na rin ang dati na naming mga paboritong libro.

Kalatas: May proyekto ba kayong ginagawa sa kasalukuyan?

Sto. Domingo: Sa kasalukuyan, tinatapos ko ang aking entry para sa isang lalahukang patimpalak. Sa buwan ng Oktubre, maglalabas muli kami ng aming grupo (Betamaks Studios) ng mga bagong obra para sa Komikon 2014.

Patuloy rin akong gumuguhit para sa mga personal kong proyekto. At balang araw gusto kong maglabas ng illustrated children’s story book na ako ang gumuhit at ang may akda.

 

Si Michael Jude Tumamac ay miyembro ng Kuwentista ng mga Tsikiting (KUTING) at Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA). Bisitahin ang kanyang blog xizuqsnook.blog.com para sa mga rebyu ng aklat-pambata.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s