News

Pambansang Edukasyong Pampanitikan, bibisita sa Malate, Manila

Disenyo ng poster: Mikael Gallego

Disenyo ng poster: Mikael Gallego

Gaganapin ang ika-33 edisyon ng “Pambansang Edukasyong Pampanitikan” ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) sa Pamantasang De La Salle Manila (Multipurpose Room, 2/F Enrique M. Razon Sports Complex) sa Oktubre 3 – 4, 2014 (Biyernes at Sabado), 8 n.u. – 5 n.h.

PARA MAKAPAGPATALÂ:

(1) Pumunta sa http://bit.do/registerPEPmalate
(2) Punan ng impormasyon ang online form.
(3) Isang email ang ipadadala para kumpirmahin ang iyong pagpapatalâ.

Ang pagpapatalâ ay nasa first come, first served basis at libre. Bibigyan ng prioridad ang mga guro sa distrito ng Malate at mga katabing pook. May nakahandang pagkain para sa mga lalahok.

Ang huling araw ng pagpapatalâ ay sa Agosto 12, 2014, 5 n.h. Tanging ang mga nakapagpatalâ bago ang deadline ang makapapasok sa pamantasan at mabibigyan ng pirmadong sertipiko ng paglahok.

Kasama ng LIRA sa pagtataguyod ng PEP Malate, Manila ang DLSU College of Computer Studies; sa pakikipagtulungan ng DLSU Student Media Office, Malate Literary Folio (opisyal na publikasyon para sa panitikan at sining ng DLSU), at Ang Pahayagang Plaridel (opisyal na pahayagang pang-mag-aaral ng DLSU); at may suporta ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), JP Anthony D. Cuñada Law Office, Fringe Manila Arts Festival, ABS-CBN’s Choose Philippines, ang magasing Kalatas, at ang Pulong ng Kabataan.

Panayam sa “Sining ng Tugma at Sukat” ni Dr. Michael M. Coroza | Disyembre 2008 | University of Rizal System-Angono Campus (Larawang kuha ni Christa I. De La Cruz)

Panayam sa “Sining ng Tugma at Sukat” ni Dr. Michael M. Coroza | Disyembre 2008 | University of Rizal System-Angono Campus (Larawang kuha ni Christa I. De La Cruz)

Nagsimula noong 2008, higit 3000 mga guro at mag-aaral sa higit 300 pampubliko at pampribadong paaralan sa higit 30 bayan sa buong Filipinas na ang naturuan sa ilalim ng proyektong ito. Layunin ng PEP na paunlarin ang panitikan, wika, pagiging makabayan, at kakayahan sa pagpapahayag sa pamamagitan ng pagtuturo ng katutubong anyo ng panulaang Filipino. Tatalakayin sa dalawang araw na seminar ang “Sining ng Tugma at Sukat,” “Sining ng Talinghaga at Tayutay,” at mga paraan sa pagtuturo ng wika at panitikan gamit ang teknolohiya.

Itinatag noong 1985, ang LIRA ay isang rehistradong NGO na pang-edukasyon na pinangingisawaan ng mga boluntaryo; ang pinakamatandang organisasyon ng mga makata na nagsusulat sa Filipino; at isa sa mga nangungunang grupo sa panitikan. Nagkakaroon ang LIRA ng taunang klinikang pampanulaan na tumatagal ng limang buwan sa Unibersidad ng Pilipinas – Diliman. Ang PEP ay isang paraan upang maibahagi ang klinika sa labas ng Metro Manila.

Noong 2011, kinilala ang LIRA bilang isa sa Ten Accomplished Youth Organizations (TAYO) sa Malacañang Palace ni President Benigno Simeon C. Aquino III. Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon ng grupong pampanitikan sa siyam na taong kasaysayan ng TAYO. Noong 2012, kinilala naman ng National Outstanding Volunteer Awards ang LIRA bilang Outstanding Volunteer Organization sa National Capital Region.

Panayam sa “Sining ng Tugma at Sukat” ni Dr. Michael M. Coroza | Disyembre 2013 | DepEd Ecotech Center, Lahug, Cebu City (Mula kay Phillip Y. Kimpo Jr.)

Panayam sa “Sining ng Tugma at Sukat” ni Dr. Michael M. Coroza | Disyembre 2013 | DepEd Ecotech Center, Lahug, Cebu City (Mula kay Phillip Y. Kimpo Jr.)

Ang ilan sa mga bumubuo ng pamunuan para sa PEP Malate, Manila ay ang mga premyadong manunulat na sina Dr. Michael M. Coroza, Dr. Edgar Calabia Samar, at Prop. Louie Jon A. Sanchez ng Pamatasang Ateneo de Manila (mga tagapanayam), ang pangulo ng LIRA na si Phillip Y. Kimpo Jr. (program director), at ang Ugnayang Pangmadla ng LIRA na si Christa I. De La Cruz (local coordinator). Ang dating pangulo ng LIRA na si Beverly W. Siy ang nagtatag ng proyektong dating tinatawag na “Sining ng Tugma at Sukat” na ngayo’y isa lamang sa iba’t ibang panayam na nakapaloob sa PEP.

Sakaling hindi makapagpatalâ gamit ang http://bit.do/registerPEPmalate, ipadala ang buong pangalan, paaralan, address ng paaralan, email address, at numero ng telepono sa registerPEP@gmail.com. Maaaring ipadala ang mga katanungan tungkol sa PEP-Malate, Manila sa parehong email address.

Sa mga nais tumulong o maging bahagi ng serye ng Pambansang Edukasyong Pampanitikan, makipag-ugnayan sa pykimpo@gmail.com.

Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang LIRA sa Facebook (https://www.facebook.com/PalihangLIRA) at Twitter (https://twitter.com/makatangLIRA).

Mapa / Direksiyon sa Pagpunta (Enrique M. Razon Sports Complex)

Mapa / Direksiyon sa Pagpunta (DLSU Enrique M. Razon Sports Complex)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s