News

Call for Entries: Timpalak Uswag Darepdep

kwf_timpalakuswag

Ang Timpalak Uswag Darepdep ay isang timpalak pampanitikan sa Filipinas na pinagtibay ng Kapasiyahan Blg. 14-28 ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng KWF na naglalayong magtanghal at kumalap ng pinakamahuhusay na akdang pampanitikan mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa na likha ng mga kabataang nasa edad 12–17. Mula ito sa Sebwanong “uswag” na nangangahulugang “sulong” at sa Ilokanong “darepdep” na nangangahulugang “haraya.” Isang paraan ito ng KWF upang payabungin ang produksiyong pampanitikan ng mga rehiyon sa pamamagitan ng pagsisimula sa mga kabataang manunulat sa mga katutubong wika. Sa gayon, ang taunang timpalak na ito ay inaasahang makapag-aambag sa pagpapayaman ng mga wikang katutubo sa bansa at sa pagpapayaman din ng wikang Filipino—batay sa paniwala na ang pinakamataas at pinakamagandang uri ng wika ay matatagpuan sa panitikan.

Ang timpalak na ito ay bubuksan mula 1 Agosto 2014 hanggang 29 Mayo 2015. Bukás ito sa lahat ng mga kabataang Filipino mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa na nasa edad 12–17 bago ang 29 Mayo 2015.

Ang kategorya ng timpalak ay nagpapalit-palit sa bawat taon sa mga sumusunod: maikling kuwento, tula, dulang may isang yugto, at sanaysay. Para sa unang Timpalak Uswag, ang kategorya ay ang maikling kuwento.

Para sa kategoryang maikling kuwento, ang lahok ay kinakailangang hindi kukulangin sa sampung pahina at hindi hihigit sa 25 pahina na makinilyado o kompiyuterisado at kinakailangang magtaglay ng isang pahinang sinopsis.

Para sa kategoryang tula, ang koleksiyon ay kinakailangang magtaglay ng hindi kukulangin sa sampung tula at hindi hihigit sa 15 tula.

Para sa kategoryang dulang may isang yugto, ang lahok ay hindi lalagpas sa 25 pahina at mayroong isang pahinang sinopsis.

Para sa kategoryang sanaysay, ang tema sa bawat taon ay ang magiging tema din ng Buwan ng Wika. Ang bawat lahok ay hindi kukulangin sa limang pahina at hindi hihigit sa 15 pahina, makinilyado o kompiyuterisado, at magtataglay ng isang orihinal na pamagat.

Ang bawat kalahok ay maaari lamang magsumite ng isang entri sa bawat taon. Ang isang entri o halaw ng isang entri ay maaari lamang isumite sa isang kategorya at hindi na maaaring ilahok pa sa ibang kategorya. Ang salin ng isang entri para sa isang kategorya ay hindi na maaaring ilahok pa sa ibang kategorya.

Ang isang lahok na nagwagi sa ibang timpalak bago ang 12ng ng 29 Mayo 2015 ay hindi na kalipikado sa timpalak na ito. Kinakailangan ding hindi pa nailalathala sa kahit anong publikasyon ang lahok.

Ang bawat lahok ay kinakailangang nasa anyong PDF, doble espasyo (maliban sa kategoryang tula) sa 8 1/2 x 11″ na papel, may palugit na 1″ sa bawat gilid. Ang mga bilang ng pahina ay kailangang sunod-sunod at nakagitna sa footer ng bawat pahina. Ang font ay kinakailangang Arial o Times New Roman at may laking 12pt.

Ang mga sumusunod na dokumento ay kinakailangang nakalagay sa isang selyadong long brown envelope: (1) tatlong hard copy ng lahok; (2) isang CD na naglalaman ng digital na kopya ng entri; (3) pormularyo sa paglahok (mada-download sa KWF website o KWF facebook); (4) pormularyo sa pahintulot ng magulang; at (5) sertipikasyon mula sa prinsipal ng paaralan para sa mga estudyante o sertipikasyon mula sa punong barangay para sa mga out of school youth. Kinakailangang notaryado ang pormularyo sa paglahok at ang pormularyo sa pahintulot ng magulang. Tanging ang pamagat lamang ng lahok at ang kategorya nitó ang isusulat o ilalagay sa envelope. Ipadadala ang naturang dokumento sa:

Lupon sa Gawad
2F Gusali Watson, 1610 Kalye J. P. Laurel
Malacañang Complex, San Miguel
Lungsod Maynila.

Ang mga lahok ay kinakailangang matanggap ng KWF bago o sa 29 Mayo 2015, 5nh.

Ang mga magwawagi sa bawat rehiyon ay tatanggap ng medalya mula sa KWF at ng sumusunod na gantimpalang salapi:

Unang gantimpala: 20,000php
Ikalawang gantimpala: 15,000php
Ikatlong gantimpala: 10,000php

Anumang pasiya ng Lupon ng Inampalan ay pinal at hindi na mababago. Ang lahat ng lahok, nanalo man o natalo, ay hindi na ibabalik sa mga kalahok at angkin ng KWF ang unang opsiyon na mailathala ang mga nagwaging lahok nang walang royalti sa may-akda.

Para sa pormularyo sa paglahok, magtungo sa http://docdroid.net/fe37.
Para sa pahintulot ng magulang, magtungo sa http://docdroid.net/fe36.

Press release from KWF.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s