Gaganapin ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) ang kauna-unahan nitong “Open House Weekend,” tampok ang lekturang pampanulaan ng tagapagtatag nitong si Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan at kasalukuyang tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino.
Sa Setyembre 13, 2104, 9 n.u- 5 n.h., bibigkasin ni Almario ang panayam na “Muling Pagsipat sa Pagtula ng ika-19 at ika-20 Siglo sa Filipinas.”
Ang Open House Weekend ay gagawin sa Silid 201 (Inquirer Room) ng New College of Arts and Letters Building, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman.
Ang pagdalo ay libre.
Mithi ng Open House Weekend na ipasilip sa publiko ang mga gawain ng samahan, lalo na para sa mga interesadong sumali sa Palihang LIRA, mga guro at mag-aaral, o sinumang interesado at nagmamahal sa tulang Filipino.
Para magpatala, ipadala ang buong pangalan, email, at mobile number sa palihangLIRA@gmail.com [SUBJECT LINE: Open House Weekend].