News

Higit 200 guro at mag-aaral, nagpatalâ sa Pambansang Edukasyong Pampanitikan sa Okt. 3-4

Gaganapin ang ika-33 edisyon ng “Pambansang Edukasyong Pampanitikan” ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) sa Pamantasang De La Salle Manila sa Oktubre 3 – 4, 2014 (Biyernes at Sabado), 8 n.u. – 5 n.h. Ang venue ay sa Multipurpose Room (5/F) ng Henry Sy Sr. Hall (hindi na sa Enrique M. Razon Sports Complex).

Umabot sa higit 200 na mga propesor, guro, at mag-aaral ang nagpatalâ.

Disenyo ng poster: Mikael Gallego

Disenyo ng poster: Mikael Gallego

Kasama ng LIRA sa pagtataguyod ng PEP Malate, Manila ang DLSU College of Computer Studies; sa pakikipagtulungan ng DLSU Student Media Office, Malate Literary Folio (opisyal na publikasyon para sa panitikan at sining ng DLSU), at Ang Pahayagang Plaridel (opisyal na pahayagang pang-mag-aaral ng DLSU); at may suporta ng Komisyon sa Wikang Filipino, JP Anthony D. Cuñada Law Office, Fringe Manila Arts Festival, at Pulong ng Kabataan. Ang mga media partner para sa edisyong ito ay ang Choose Philippines ng ABS-CBN, Kalatas, Tomasino Web, Wazzup Pilipinas, Astig(dot)ph, at Click the City.

Henry Sy Sr. Hall ng Pamantasang De La Salle (Larawang kuha ni Owen Lombos, Ang Pahayagang Plaridel, http://plaridel.ph/, Hulyo 2013)

Henry Sy Sr. Hall ng Pamantasang De La Salle (Larawang kuha ni Owen Lombos, Ang Pahayagang Plaridel, http://plaridel.ph/, Hulyo 2013)

Nagsimula noong 2008, higit 3000 mga guro at mag-aaral sa higit 300 pampubliko at pampribadong paaralan sa higit 30 bayan sa buong Filipinas na ang naturuan sa ilalim ng proyektong ito. Layunin ng PEP na paunlarin ang panitikan, wika, pagiging makabayan, at kakayahan sa pagpapahayag sa pamamagitan ng pagtuturo ng katutubong anyo ng panulaang Filipino.

Tatalakayin sa dalawang araw na seminar ang “Sining ng Tugma at Sukat,” “Sining ng Talinghaga at Tayutay,” at mga paraan sa pagtuturo ng wika at panitikan gamit ang teknolohiya.

Itinatag noong 1985, ang LIRA ay isang rehistradong NGO na pang-edukasyon na pinangingisawaan ng mga boluntaryo; ang pinakamatandang organisasyon ng mga makata na nagsusulat sa Filipino; at isa sa mga nangungunang grupo sa panitikan. Nagkakaroon ang LIRA ng taunang klinikang pampanulaan na tumatagal ng limang buwan sa Unibersidad ng Pilipinas – Diliman. Ang PEP ay isang paraan upang maibahagi ang klinika sa labas ng Metro Manila.

Noong 2011, kinilala ang LIRA bilang isa sa Ten Accomplished Youth Organizations (TAYO) sa Malacañang Palace ni President Benigno Simeon C. Aquino III. Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon ng grupong pampanitikan sa siyam na taong kasaysayan ng TAYO. Noong 2012, kinilala naman ng National Outstanding Volunteer Awards ang LIRA bilang Outstanding Volunteer Organization sa National Capital Region.

Ang ilan sa mga bumubuo ng pamunuan para sa PEP Malate, Manila ay ang mga premyadong manunulat na sina Dr. Michael M. Coroza at Dr. Edgar Calabia Samar ng Pamantasang Ateneo de Manila (mga tagapanayam), ang pangulo ng LIRA na si Phillip Y. Kimpo Jr. (program director), at ang Ugnayang Pangmadla ng LIRA na si Christa I. De La Cruz (local coordinator). Ang dating pangulo ng LIRA na si Beverly W. Siy ang nagtatag ng proyektong dating tinatawag na “Sining ng Tugma at Sukat” na ngayo’y isa lamang sa iba’t ibang panayam na nakapaloob sa PEP.

Map to Venue

Map to Venue

Sa mga nais tumulong o maging bahagi ng serye ng Pambansang Edukasyong Pampanitikan, makipag-ugnayan sa pykimpo@gmail.com.

Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang LIRA sa Facebook (https://www.facebook.com/PalihangLIRA) at Twitter (https://twitter.com/makatangLIRA).

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s