Inaanyayahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang lahat ng mga mananaliksik, guro, estudyante, at iba pang may interes sa wika para sa Pagpapakilala ng Aklat ng Bayan sa Bulwagang Marble, Pambansang Museo, 15 Agosto 2014, 4nh–7ng. Ang Aklat ng Bayan ang serye ng publikasyon na inilalathala ng KWF na naglalayong maipamahagi sa mga Filipino … Continue reading
Tag Archives: Komisyon sa Wikang Filipino
Agosto 19, tripleng pagdiriwang para sa KWF!
Tripleng pagdiriwang ang inihahanda ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) para sa 19 Agosto ngayong taon. Bukod sa pagdiriwang ng ika-136 kaarawan ni dáting Pangulong Manuel Luis Quezon, Ama ng Wikang Pambansa, ipagdiriwang din ng tanggapan ang ika-23 anibersaryo ng pagkakatatag nitó. Itinatag noong 14 Agosto 1991 ang KWF sa bisa ng Batas Republika Blg. … Continue reading
Call for submissions: Aklat ng Bayan
Hinihikayat ang mga mananaliksik, manunulat, guro, at mga eksperto na magsumite ng kanilang panukalang publikasyon na ililimbag sa ilalim ng programang Aklat ng Bayan ng KWF. Ang Aklat ng Bayan ay isang paraan ng pagtatanghal sa kapasidad ng wikang Filipino bilang wika ng malikhain at intelektuwal na gawain. Isang paraan ito ng pag-iimbak ng karunungan … Continue reading
Call for Entries: Gawad Julian Cruz Balsameda
Pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng KWF ang Kapasiyahan Blg. 14-24 noong 20 Hunyo 2014 na bumubuo sa Gawad Julian Cruz Balmaseda, isang gawad para sa pinakamahuhusay na tesis at disertasyon na isinulat gamit ang wikang Filipino para sa mga larang akademiko , lalo na sa agham pangkalikasan, agham panlipunan, at matematika. Layunin ng … Continue reading
Call for Entries: Timpalak Uswag Darepdep
Ang Timpalak Uswag Darepdep ay isang timpalak pampanitikan sa Filipinas na pinagtibay ng Kapasiyahan Blg. 14-28 ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng KWF na naglalayong magtanghal at kumalap ng pinakamahuhusay na akdang pampanitikan mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa na likha ng mga kabataang nasa edad 12–17. Mula ito sa Sebwanong “uswag” na nangangahulugang … Continue reading
Call for entries: Sali(n) Na! 2014
Ang Sali(n) Na! ay taunang programa ng KWF sa pagsasalin ng pinakamahahalagang tekstong pampanitikan, pangkultura, at/o pangkasaysayan ng bansa tungo sa layuning makalikha ng repositoryo at lawas ng mga opisyal at mapagtitiwalaang salin sa Filipino ng mga naturang akda. Para sa taóng 2014, ang akdang isasalin ay ang La revolución filipina ni Apolinario Mabini bilang … Continue reading
Call for entries: Talaang Ginto: Makata ng Taon 2015
Ang TALAANG GINTO: MAKATA NG TAON ay timpalak sa pagsulat ng tula na itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino kaugnay ng pagdiriwang ng Araw ni Balagtas tuwing ika-2 ng Abril taon-taon. Nilalayon ng timpalak na lalo pang pasiglahin at pataasin ang uri ng panulaang Filipino sa pamamagitan ng pagkilala sa mga batikan at baguhang talino. … Continue reading
Call for entries: KWF Gawad Sanaysay 2014
Noon pang 1967, itinataguyod na ng Komisyon sa Wikang Filipino ang Gawad KWF sa Sanaysay (dating Gawad Surian sa Sanaysay-Gantimpalang Collantes), ang taunang timpalak sa sanaysay kaalinsabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Nilalayon ng timpalak ang patuloy na pagpapatalas, pagniningas, at pagpapataas ng antas ng wikang pambansa. Ngayong 2014, ang timpalak sa sanaysay ay … Continue reading
2 libreng seminar pangwika, idadaos ng KWF
Inaanyayahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang mga guro, estudyante, mananaliksik pangwika at pangkultura, at sinumang may interes sa wika at kultura na dumalo sa dalawang libreng seminar ng tanggapan sa Mayo. Sa 12-15 Mayo, magaganap ang seminar tungkol sa Dokumentasyon at Deskripsiyong Pangwika (Language Documentation and Description) na pangungunahan ng lingguwista at full-time … Continue reading